Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

All Property naka pangalan sa husband

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1All Property naka pangalan sa husband Empty All Property naka pangalan sa husband Mon Sep 10, 2018 6:05 am

swt


Arresto Menor

Good am po. May linya po kami ng motor na pinarerentahan sa loob ng isang taon. Lahat po ay naka pangalan sa husband ko. Kasal po kami at mauuwi sa hiwalayan. Pareho kaming nasa ibang bansa at ninais niya na ibenta lahat ng wala akong alam. Maaari ko po bang ipa-hold sa barangay ang pagbebenta habang wala ako sa bansa natin? Ano po ba ang dapat kong gawing aksyon? Kahit hindi ako naghulog ng pera sa lahat ng linya na naipundar, wala po akong nakukuhang financial support sa kanya. Conjugal property pa rin po ba iyon? Pati ang pera ba naipon sa bangko?
Maraming salamat po.

2All Property naka pangalan sa husband Empty Re: All Property naka pangalan sa husband Mon Sep 10, 2018 12:22 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

lahat ng ariarian na napundar sa panahon ng kasal kayo ay conjugal property. pwede mo syang kasuhan kung nagbenta sya ng conjugal property na wala mong basbas.

swt


Arresto Menor

Maari ko pa po bang habulin ang financial support na hindi ko nakuha sa kanya sa loob ng 13 taon? Yung allotte po nia kasi naka pangalan sa akin before. Bigla na lang niya nilipat sa magulang niya. Sa kadahilanang gusto kong tumulong hinayaan ko na lang. At ngayon pati naipon niya sa bangko kukunin niya at iiwan lang niya ang kung ano ang meron ako. Pwede ko po bang habulin ang Financial Support sa 13 taon na di niya binigay sa akin. Ano po ang dapat kong gawing hakbang? Maraming salamat po.

xtianjames


Reclusion Perpetua

hire a lawyer at magfile ka na ng kaso against your husband para mapigilan yung pag lipat ng mga ariarian nyo.
may anak ba kayo? anong financial support ang hahabulin mo?

swt


Arresto Menor

Wala po kaming anak. Pero sa sahod ng asawa ko wala po akong nakukuha dahil lahat napupunta sa family niya. Wala po ba akong habol duon?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum