nag tatrabaho po ako sa isang massage spa sa palawan, at ganito po ang ngyari. 2 months after ako na hire eh pina-pirma kami ng kontrata na 1 year.
Kapag di namin natapos ang kontrata mag mumulta kami ng 10,000 para sa penalty daw. Nag karoon kami ng problema sa pamilya dahil di din ako taga palawan talaga, kasama ko mga anak ko sa palawan at kaylangan ko sila ibalik sa ama nila para mag bantay habang ako nag tatrabaho. Pinayagan ako ng amo ko na sila ang mag babayad sa plane ticket namin papunta at pabalik ulit ng palawan, kaso ang ngyari eh ung yaya na kinuha namin na mag babantay ng mga bata eh di na namin ma contact kaya nag ka problema sa flight departure ko pabalik ng palawan. So to make the long story short, di ako natuloy balik sa palawan, at nag hahabol ung amo ko sa 10k na pinahiram niya at doon sa penalty daw na 10k sa kontrata. Balak ko po bayaran ung 20k na utang sa kanila, ngunit ang kaya ko lang maibigay sa ngayon eh ang 10k lang dahil wala pa din ako trabaho ngaun. Sabi nila itutuloy daw nila ang kaso sa akin. Ito po ang mga tanong ko.
-1.) Papano po ang proceso ng kaso na andito ako sa mindanao habang sila nasa palawan?
-2.) Maari po ba ako makulong ng dahil dito?
-3.) Small claims po ba ang ganitong kaso?
-4.) Makaka kuha pa po ba ako ng NBI or Police clearance pag may kaso ako na ganito?
Maraming salamat po sa makaka- sagot sa mga tanong ko.
May God bless us all.