Hello po! Ang nanay ko po nag loan po sa isang tao na may lending company, discount loan po ang kanyang patakaran, minus pa po sa processing fee and yung monthly interest nya is .03 percent ang charge nya a month. Di na po kami nakakabayad masyado gawa nang nag kaka- problema sa negosyo. Kasi po ang gusto nang lending company bayaran namin yung almost 57k monthly na interest.
Ang problema po parang di po makatao ang pag solve nya nang interest. Ang ginawa nya po, lahat po nang checke namin naka add po kasama yung interest nila ng ilang months.( Principal + interest nang 3 months) ang equal po nun naka add pa sa iba pang checke with the same process of computing po. Tapos po ang total po nang lahat nang principal with interest na Checke. Naka interest pa po ulit nang .03 percent. Kaya po masyado malaki. nag offer po kami nang payment last month di po nila tinangap kasi nga daw po 10k lang daw yun, and gusto nila yung sarili nilang computation na interest ang ibayad namin sa kanila, yun po yung 57k.
And 2 months earlier po nakapag bayad din po kami ng 50k, tapos po 2 weeks earlier po after ng 50k nag offer po kami nang 5k para ma mabawasan naman po utang namin kahit papano pero again ayaw parin nila tangapin, kasi nga daw po maliit. So nag padala sila nang demand letter para e demanda kami. Ano po dapat namin gawin. Sana po klaro yung pag explain ko. Di po kami umaalis sa obligation namin, kasi po nagbabayad naman po kami, di lang sapat sa gusto nilang interest. Halos 200k po ang itinaas nang kanilang patung in 4 months. may 3 checke na rin po kami nakuha sa kanila kasi mabayaran Napo namin. MARAMING SALAMAT PO. Grounds for bp 22 po ba kami?