I got married in 1996 by a judge, but unfortunately,while nasa abroad po ako working nambabae yung asawa ko kaya nakipaghiwalay po ako. Sa ngayon po ay may kinakasama sya at balita ko po ay may anak na, ako naman ay nasa ibang bansa at nakatagpo ng lalaking magmamahal sa akin at handa akong pakasalan. Ang problema ko po ay kasal ako sa una at hindi ako pwedeng makakuha ng CENOMAR. Yung birth at marriage certificate ko ay original at me red ribbon, pinalabas ko po na widow ako at kumuha ako ng fake na death at fake CENOMAR sa recto. Binabalak ko pa lng po na isubmit ang papers ko para sa pagpapakasal ko sa fiance ko, kahit po ba malayo ako (EUROPE) madedetect po ba na ang pinasa kong documents ay fake? Kasi hinihingi po sa amin sa phil. embassy dito lahat ng documents ko. Please, I need an advice bago ko po isubmit yung mga papel ko...Sana naman po ay pagpayuhan nyo ako... salamat po.