Ask ko lang yong case ko. Hired po ako as Project Based employee then yearly nirerenew ung contract ko same position (office clerk). Yong work ko po regular hindi by project. Ngayon po may DOLE order sa company namin na iregular lahat ng Project Based employee na hindi naman hired by project, yong admin po namin namili lang ng mga ireregular ako hindi kasama, reason po nila pinili lang nila yong mga mas kailangan ng company eh ako may recommendation ng boss ko nakailangan nya ako as his secretary pero hindi pinapakinggan ng admin namin ung boss ko ang sabi sa sunod nalang daw ako. Dapat po ba kasama ako sa mareregular? 2 years na po akong casual sa company na pinapasukan ko.