Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

KABAHAGING LUPA NA MAMANAHIN SA MAGULANG NA NAIPAGBILI BAGO PA MAN MAISALIN SA PANGALAN NG HEIRS

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

zeny1718


Arresto Menor

Ako ay nabiling parte ng lupa mula sa aking tiyahin noong siya ay nabubuhay pa. Ang lupa pong iyon ay nasa pangalan pa ng kanilang magulang na pawang patay nang lahat. Ang tiyahin ko po ay widow subalit may anak na nasa hustong edad na nung panahon na ibinenta nia sa akin ung kanyang mamanahin pa lang na parte ng lupa. Meron po kaming mga legal na dokumento ng bayaran at deed of absolute sale na notarisado ng abogado. Ngayon po ay inaayos na ang pagpapatitulo ng lupa para maisalin na sa lahat ng mga tagapagmana kasama na ang tiyahin ko. Namatay na mo siya, ilang taon na ang nakararaan. Gusto ko lng po malaman kung may karapatan pa po ba habulin ng anak ng tiyahin ko ung parte ng lupa na naipagbili sa akin? Kung sakali po na mangyari yun, ano po ang aking magiging habol? May karapatan po ba ako sa nabili kong parte ng lupa? Nawa po ay ako'y inyong matulungan sa suliraning kong ito. Salamat po.

zeny1718


Arresto Menor

Follow-up lang po dun sa tanong ko sa taas... Mas nauna po namatay ung asawa ng tiyahin ko kesa sa mga magulang ng tiyahin ko (which happened to be my grandparents) na siyang nakapangalan sa mother title. Conjugal property pa din po ba yun nilang mag-asawa yung parte na mamanahin nia kahet hindi pa naiipamana sa kanya until now? makikitulong po.. salamat.

xtianjames


Reclusion Perpetua

Hindi na yun conjugal property kung nauna yumao yung asawa nya bago naipamana sa kanya yung ariarian. may habol ka sa lupa since yung legal na tagapagmana ang nagbenta sayo nung share nya. Ang habol nung anak ng tyahin mo ay yung pera na napagbilhan nung lupa kung meron pang natira.

zeny1718


Arresto Menor

Maraming salamat po kung ganon.. medyo mababawasan ang aking iniisip.. Fully paid na po yun sa tiyahin ko..

Yun po kasi ang ginagamit sa aking ng ibang kapatid ng tiyahin ko pang-black mail pra pumayag ako magbigay ng konting parte lupa mula dun sa nabili ko. Sinasabi na babawiin sa akin ng mga anak ng tiyahin ko. Kaya natatakot ako na mapunta lang sa wala ang pera ginastos ko para maibayad.

xtianjames


Reclusion Perpetua

Kung ganun ang gusto nila eh di bumili sila ng share ng lupa sayo at wag kang hingian since binayaran mo naman yun at pag aari mo na yun.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum