magsasangguni lang po ako tungkol sa naiwan ng aking ama na ari arian. naghiwalay na po ang tatay at nanay ko bale dalawa po kami na anak. ako po ang panganay may kinasama ang tatay ko at may anak sa una ang babae,nagkaroon ng anak ang tatay ko sa kanya.hindi po nagfile ang tatay ko ng annulment,pero nagsasama na ang tatay at yung babae, sa madaling salita po namatay ang nanay ko at tatay ko. pero bago namatay ang tatay ko may pinagawa sya na sulat ngunit naiprint lang sa computer sa kadahilanang di na sya makapagsulat tanging pirma na lang ang kaya nya na ang nakasaad ay kami tatlong tunay na anak nya lang ang mamahala ng ariarian nya na lupa at bahay hindi nya sinama ang anak ng kinakasama nya pero ang apelyidong ginagamit ay apelyido ng tatay ko.ngayon po dun nakatira sa bahay ng tatay ko ang kinasama nya pero sya po ang nagmamando sa upa na ang napagkasunduan namin ay patas ang hatian pero kulang ang binibigay nya sa aming tunay na anak ng lumaon po.at marami po dahilan at salita pag gusto ko lumipat sa bahay na nababakante.
ang sabi nya po sya daw ang nagpagawa ng mga bahay dahil wala daw trabaho ang tatay ko sya daw nagpapdala ng pera sa tatay ko kasi po nag aabroad po sya, pero kinausap kami ng tatay ko na wala sya karapatan sa pag aari nya.
(nalaman po ng tatay ko na nag asawa ng iba sa abroad para maging citizen)kaya ganun na lang po ang galit ng tatay ko)
pero ng mamatay na ang tatay ko sinabihan ako na wala na daw si tatay kaya wala na daw bisa ang sinabi at pinirmahan nya sya ang nagpatayo ng mga bahay(na wala naman maipakita na resibo o dokumento sa akin at sa kapatid ko). kaya ang tanong ko po na kung pwede po na matulungan kaming magkakapatid na pwede po ba na magfile po kaming tunay na anak na ang mamahala sa upa at ariarian ng tatay ko kasi pinipilit nila na liliit daw ang tyansa makuha ang parte naming lupa dahil sila ang nagsasama at nagpagawa ng mga bahay samantalang minana po ang lupa sa mga magulang mismo ng tatay ko.at dinadaan po nila gagastos lang po kami ng malaki at mapera sila kung ipapaabot sa husgado.hawak po namin ang titulo ng lupa at mga birthcertificate/marriage contract ng aming mga magulang. sana po matulungan kami kung ano hakbang legal para sa problemang ito salamat po