June 2017 lumapit s akin ang isang kilala para humiram ng pera na halagang 20k at ito ay ipapahiram niya sa iba para kumita,( ang kikitain daw dito ay maghahati kami, at ito ay tig 10% kami. Pag dating ng july ibinigay niya sa akin ang nahiram niya na pera pati ang dagdag na 2000 na kita. Natuwa ako kaya nakahiram na nmn siya sa akin ng pera nun july28, 2017 ng paunti-unti, minsan 40k, 80k, 30k hanggang sa umabot ng oct ang nahiram niya ay 360,000. Nagtiwala ako sa kanya dahil humahawak siya ng paluwagan, at yun mga nanghihiram daw ay may paluwagan sa kanya kaya sigurado daw n magbabayad. Sa mga nahiram niya sa akin kami ay may kasunduan, nakasaad dito pati ang date ng dapat niyang pagbayad, ngunit nun dumating na ang oct na katapusan, wala na ko nakukuha na patubo, sa loob lang ng 2 buwan tumubo ang pera ko, at nang dumating na ang araw na dapat na siyang magbayad, wala n siya maipambayad, at nalaman ko n lang halos lahat pala ng kasali sa paluwagan niloko niya rin, hindi iya binigay ang mga pera nito, at hindi totoo na may humiram sa kanya, ang totoo pala ay siya lang ang gumamit ng pera ko, kung saan niya dinala ang pera namin yun ay hindi ko alam,nung nabalitaan ko ito nung dec 2017, gusto ko na mgdemanda pero nakiusap siya sa akin na isasanla niya na lang ang atm ng kapatid niya, at dun ko n lang unti unti kunin ang pera ko, gumawa uli kami ng kasunduan at pumirma kami dto pati ang kapatid niya na mayaring atm. Ngunit pagdating ng feb hiniram sa akin ng kapatid niya ang atm, at ang sabi niya ay icacash n ng daw nila ang pagbabawas ng utang, pumayag ako, pero naputol ang pagbabayad nila ,sa ngayon ay 330,000 pa ang pera ko sa kanya na walang kasamang tuno ito. Nagfileako ng complain sa brgy, pero silang magkapatid ay hindi pumunta kasi wala nmn daw nakukulong sa utang.sa ngayon ay may nagfile n ng kaso sa kanya estafa at bouncing checks. Ang tanong ko po, sa dami niya pong niloko lagpas 10 tao, kahet 3 to 4 Million may utang siya sa ibat ibang tao pwede po ba kami magfile ng syndicate estafa, or estafa,. Kami po ba ay pwedeng magfile ng criminal case or civil lang. Pag po ba nanalo kami, maibabalik ang pera namin.ano po ba ang pinaka best na gawin. Sabay sabay kami magfile,? Dba intentional yun ginawa niya, humiram cia ng mga pera sa amin khet alam niya na wala nmn siya ipambabayad , at hindi totoo na my mga humiram. Help po, adcice po sana