Kailangan mo talaga madokumentohan ng maayos yang bentahan na yan, dahil kung verbal lang, hindi mo talaga maipaparehistro sa pangalan mo yung property. Kailangan mo ng deed of sale, at dapat notarized din ito para i-honor ng BIR at mabayaran mo ang mga taxes (which is required para ma-issuhan ka ng Certificate Authorizing Registration). https://www.alburovillanueva.com/land-titles-real-property-registration Ang problema mo ngayon ay kung paano mo kukumbinsihin yung seller na mag-execute ng deed of sale para sa inyo, dahil mukang interesado syang bilhin na lang ulit mula sa inyo yung lupang ibinenta nya.
Kung magpapaka-praktikal tayo, sa palagay ko mas maigi siguro pumayag ka na lang na ibenta mo na lang ulit sa kanya yung property para mabawi ninyo yung ginastos nyo. Kasi kung magiging matigas ka at hindi ka papayag, wala ka din naman magagawa para mailipat sa pangalan mo yung property kasi verbal lang ang bentahan nyo, at hindi ko nakikitang mapapa-payag mo sya na gumawa ng deed of sale (dahil nga interesado pa sya sa property hanggang ngayon). As long as si seller ang nakapangalan sa title, sya ang kinikilalang legal owner at hindi ikaw. Kung ibebenta mo ulit sa kanya, may mababawi ka kahit paano, kesa naman sa totally wala kang mapala.
And besides, tama yung sinabi nya na dapat alam ng asawa nya yung bentahan. Dahil sa lahat ng sale transaction ng real property, kailangan may marital consent (kung married ang seller), dahil may part ang asawa nya sa lupa since it is conjugal. A married seller cannot sell a conjugal property without securing the consent of the spouse, who is also an owner.