Ang tatay ko po ay may biniling parti ng lupa 30yrs ago pero ndi napatituluhan ng tatay ko pero napa annotate nya sa mother title nung may-ari yong parti ng lupang nabili nya. Namatay na yong tatay at nanay ko at ako lang anak nila ng nanay ko. At yong may-ari naman ay namatay narin.
Ngayon yong anak nya sinasabi hindi dw saamin or sakin yong parti ng lupa dahil nasa kanya dw ang titulo at buo pa nkalagay yong lupa. Pero ang tax dec ay taon-taon ang tatay ko ang nagbabayad na nun noong buhay pa sya. Wala naman ako paggamitan nung lupa dahil may minana pa ko sa nanay ko n galing din sa nanay nya.
Nais ko sana ipagbili nalang yong lupang nabili ng tatay ko pero wala akong titulo at ayaw ipahiram nung anak nung may-ari yong mother title para ma-verify ko. Ano po bang dpat kong gawin para ma-verify at maibenta ko yong yong parting lupa nabili dati ng tatay ko?