Madalas po may schedule po ako pang gabi til 10pm then papapasukin nya ko ng 7am, halos wala na kong tulog, may standard po bang sinusunod kung ilang oras ang pagitan? May mga pagkakataon naman kapag may occasion pinapapasok ako ng 8am to 10pm (2 consecutive days), tapos hindi naman na o-offset. Ginagawa nya rin po ako solo opening, pero ang nagyayari po kasi deliveries po kapag opening so ako rin po nagrereceive ng deliveries na feeling ko naging crew na po ako. Overall feeling ko ginigipit po ako nung area manager namin sa pamamagitan ng superior ko para mapilitan ako mag resign.
Salamat po..