Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NAIIPIT SA FAMILY ISSUE NG NAGPAPAUPA

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1NAIIPIT SA FAMILY ISSUE NG NAGPAPAUPA Empty NAIIPIT SA FAMILY ISSUE NG NAGPAPAUPA Sat Jun 23, 2018 7:54 pm

akajaja


Arresto Menor

Ano po ba ang dapat? Kami po kasi umuupa po kami. Nagstart yung upa namin last year around September until now. Una po hindi po namin alam na may Family issue pala itong nagpapaupa, few months ago lang po namin nalaman. Ang kausap po ng mama ko sa pag upa dito ay yung Tatay at babae na akala namin nung una eh pangalawang asawa nya po. Nalaman na lang po namin few months ago nung dumating dito yung anak ng lalaki sa unang asawa na kabit pala po yung babae na kausap ni mama sa pag upa. Dito na po tumira sa kabilang bahay yung anak nung lalaki kasabay din po ng pag alis nung kabit. Una po hinahanap namin, hinantay namin yung kabit dahil siya po yung pinakakausap ng mama ko, siya po yung nagbibigay nun ng papeles like resibo pag nagbayad ng upa. Hindi po namin alam yung dahilan bakit wala siya mga ilang linggo, Ang huling rinig namin sa kanya eh nag aaway silang magasawa. Ito naman pong anak nung lalaki sinabihan yung mama ko na sa kanya na lang daw po ibigay yung upa. Syempre gulat si mama at iba na ang nagclaclaim, dun na po namin nalaman yung problema nila. Dalawang buwan na po kaming nagbibigay ng upa dyan sa anak since ang alam po namin eh nagkabarangayan na po sila. Kaso hindi po namin alam ang usapan nila, hindi po nila ipinaalam ang usapan sa barangay. Syempre po bilang mangungupahan napeperwisyo kami since dalawa po ngayon ang nagclaiclaim ng upa. yung dalawang panig po eh iba ang sinasabi pag wala ang isa. Ngayon po ang PROBLEMA ay pinuntahan po si mama sa work nung Kabit nga po at kiniclaim yung upa, ipinakita yung papeles, at dahil po gulong gulo na si mama syempre po papeles na ang ipinakita ibinigay naman po ni mama ang upa pero kalahit lang po dahil ang sabi po ni mama Ang kalahati ibibigay sa anak. Ang kaso po nitong umaga po pinuntahan po si mama ulit para iclaim yung kalahati ng upa dahil ang sabi po nung kabit siya na raw po ang magbibigay kay Mang *** (asawa nya) so ibinigay naman po ni mama na tiwala siya dun. Ang problema po parehas po galit ang dalawang panig yung kabit at yung anak nitong lalaki. Yung kabit po umalis po dinala na rin po nya yung anak nya na grade 7. Tapos po Galit ngayon yung anak na una nitong Mang *** at pinapabarangay kami. Papaalisin po kami sa inuupahan yun po ang gusto nung anak. Tama po ba na paalisin kami? At wala raw po siyang pakealam sa downpayments namin na 3 months. Basta umalis daw po kami hanggat di magbayad ulit ng upa for the month. Sorry po kailangan ko po talaga legal councel matulungan ko po mama ko.

attyLLL


moderator

pay who is written on the contract as the lessor

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum