Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Family Lot Issue

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Family Lot Issue Empty Family Lot Issue Fri Feb 27, 2015 9:09 pm

peppy


Arresto Menor

Good day po! Gusto ko po sanang humingi ng tulong at advice sa inyo tungkol po sa kapirasong lupa ng pamilya ng nanay ko. Bale ganito po ung storya. Ang nanay ko po ang bunso sa 6 na magkakapatid, ang nanay ko po ang nag-alaga sa mga lolo at lola ko hanggang sa pumanaw sila at kami din po ang kapisan gawa hiwalay po sa tatay ko ang nanay ko, sa nanay ko na po itinoka ang matandang bahay at sa kanya na din po iniwan ang titulo ng buong lupa. Ang panganay, pangalawa at pangatlong tiyuhin ko po ay may mga sariling lupa at bahay na sa ibang lugar. Yung pang-apat na tiyahin ko ay nagpatayo sa tabing bahay ng mga lola ko at ung panglimang tiyuhin ko sa likuran naman. Kami po ngayon ay dito sa bahay na matanda umuuwi. Yung pangalawa at pangatlong tiyuhin ko po ay binigay o itinoka na sa amin ng nanay ko ang parte nila dito sa lupang bakante na kung tutuusin po ay kakapiraso lang. Ngayon po ay may asawa na ako, mag 6 na taon na po kaming kasal at naisipan po naming 3 ng nanay ko at ng asawa ko na patayuan ng 2 studio type na paupahan ung parte ng bakanteng lupa na binigay sa amin na kung tutuusin po ay malaki pa ung natira o naiwan. Ngayon po ay nagpatayo na din po yung tiyuhin kong panganay dun sa bakanteng lupa na kung tutuusin ay doble pa ang laki dun sa pinatayuan namin ng paupahan, kaya po nagpatayo dun ang tiyo ko dahil sa masama ang ugali ng 3 nyang anak at pinapaalis na sya dun at wala naman daw ong naiambag yung tiyo ko kahit 1 pako, yung mga anak nya na pangatlo, pang-apat at ung bunso ang mga naghahabol din po dun sa lupa na tinayuan namin ng paupahan at ang pinagsasabihan nila ng masasama ay yung asawa ko at ayaw kami yung diretsa nyang kausapin. Pinagsasabihan nila ang asawa ko na dapo lang daw sa pamilya namin at nangangamkam ng mga lupa, dipa daw nakuntento dito sa bahay na matanda at kinamkam pa daw ung tinoka naman samin. Kung iisipin at susumahin po ay hindi naman samin itong bahay at sa nanay ko po. At ang nanay ko naman po ang nagbabayad ng amilyar sa buong lupa. Gusto ko po sanang humingi ng opinyon nyo kung ano po ang laban at karapatan namin sa lupa at anu po ba ang dapat naming gawin para matigil na sila at malinawan din na wala naman silang dapay pang habulin kasi nakuha na ng tatay nila ung kaparte nyang lupa. At ang isa pa po dito po kasi nila inaasa ung mga anak ng pangatlong pinsan ko na babae at gusto din nilang magkaron ng parte kung tutuusin po ay wala na kasi dapat yung tatay nila yung magprovide at may lahay naman silang magkakapatid ay may sarisarili ng bahay at lupa. Hindi ko nga po alam kung inggit po ba ang nabubuo sa kanila kaya nila ginagawa ito. Sana ay matulungan nyo po kami at ito po ay tatanawin naming malaking utang na loob para hindi na din po masyadong magisip ang nanay ko. Maraming salamat po sa lahat ng tutulong. God bless po .

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum