Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NEED ADVICE ON CONDO MANAGEMENT - MAINGAY NA KAPITBAHAY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

kgap


Arresto Menor

hello po. kailangan ko lang po ng advice kung ano ang pwedeng gawin sa mga maiingay na kapitbahay sa condo na nirerentahan ko. 9 na taon na akong nakatira sa condo at simula ng April ngayong taon ay nagkaroon ako ng problema sa mga maiingay na kapitbahay na bagong lipat lang sa unit sa taas ko. una akong nagreklamo sa admin ng April at sinulatan naman daw nila at personal na kinausap ang mga kapitbahay sa itaas. ang kaso hindi tumigil ang mga ito at nagsimula pang mang-istorbo ng 2am hanggang 4am ng umaga araw-araw sa mga ingay nila. naapektuhan nito ang pagpapahinga ko mula May hanggang ngayon.

noon nagreklamo po ulit ako sa admin, pinagpipilitan nilang obserbahan lang ang ingay. papasukin ko daw ang mga gwardiya sa unit ko para marinig nila ng personal at ipaparonda daw nila ang mga guards sa labas ng unit ng mga nirereklamo ko para marinig nila. noong sinabi nila to sa akin, nag record na ko ng register ng ingay sa unit ko at sinend ito sa kanila kasama ng reklamo ko.

ang problema ko po, dahil madaling araw nangyayari ang ingay at hindi naman ito sunod-sunod, hindi madaling marinig ito ng mga guards. lagabag sa floor at paghila ng furniture ang nakakagising sakin, na hindi naman maririnig kung tatayo lang sa labas ng unit ng nirereklamo kong kapitbahay ang mga guwardya.

pinapasok ko na sila kahapon sa bahay ko para marinig nila yung ingay pero noong nag-update ako sa admin puro dahilan lang sila sa akin. kesyo wala daw silang internet ng ilang linggo na kaya hindi nila mabasa ang email ko at palaging wala ang building administrator nila.

ano po ang pwede kong gawin kung nagrerenta lang ako at ang kapitbahay kong nirereklamo sa condo? anong susunod na aksyon kung hindi kayang solusyunan ng admin ang reklamo ko?

attyLLL


moderator

have you tried talking to your neighbor directly? if you want to escalate the matter, you can file a complaint at the bgy

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

kgap


Arresto Menor

Hi attyLLL,

Thank you very much for your response. Hindi ko pa po nakakausap yung mga kapitbahay ko. Hanggat maari ayaw ko po sanang makaharap ng personal para ulitin lang ang reklamo na sinabi ko na sa management. Ang iniisip ko po kasi is responsibilidad ng management na ayusin ito. Iniisip ko rin po na kung hindi nila pinansin ang official letter ng condo, mas lalo nila akong hindi papakinggan. Kung mag-file po ako ng report sa barangay, ano po ang gagawin nila sa reklamo?

attyLLL


moderator

the bgy will call the other party and you will be given the opportunity to confront them.

don't underestimate the power of a courteous request if you reach out to them.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum