Ngunit ang bahay na naibigay sa akin may nakatira na, idinulog ko ito sa PAGIBIG noon at naglabas sial ng Notice to Vacate para sa mga illegal tenants ngunit hindi nila sinunod ang Notice.
Dumulog muli ako sa PAGIBIG at ang sabi ng nakausap kong staff ay huwag na muna ako maghulog ng monthly installment dahil may case ngunit walang kasulatan kaya itinigil ko muna ang paghuhulog sa bahay dahil hindi ko din ito malipatan at sinabi sa akin na asikusahin ko ang complaint sa aming munisipyo.
Nag-file ako ng complaint sa Municipal Trial Court , hindi dumalo sa mga hearing ng kaso ang dalawa at laging nirereject ang lahat ng sulat ng korte sa kanila.
Naipanalo ng partido ko ang laban at naglabas ang korte ng order for ejectment ng mga nakatira sa bahay na inyong ibinigay sa akin ngunit hindi pa din nila ito sinunod.
Ang sabi sa akin ng sheriff ay kailangan pa itong idulog s PCUP, pero labas na ito sa function ng PCUP dahil hindi naman komunidad ng Urban Poor ang papaalisin bagkus iisang pamilya lamang, at ang PAGIBIG Housing ay commercial at hindi katulad ng mga pabahay na hawak ng NHA.
Patuloy ko pong nilalakad ang kaso sa bahay ngunit bigla na lamang kayo nagpadala ng Notice of Cancellation of Deed of Sales sa akin kahit na alam ng PAGIBIG na may kaso.
Bakit po kakanselahin kung PAGIBIG na ang may sabi na huwag ko muna hulugan ang bahay dahil sa kaso ko at kung tutuusin ay PAGIBIG ang dapat nag aasiakso sa kaso ko dahil una pa lamang ay sila na ang may pagkukulang sa pagpapaalis sa nakatira doon dahil hindi nila na-check muna ng maayos na may nakatira doon at iyon ang ibinigay saking unit.
Ilang beses na ako nagpabalik balik sa PAGIBIG ngunit pinagpasapasahan lamang po ako sa iba't ibang opisina at sa huli ay wala rin namang naitulong sa akin at hinayaan nila ako na resolbahin ang kasong iyon.
Ano po ang pwede kong gawin?
Maraming salamat