Ask lang po sana kung ano po ba yung dapat naming gawin. Ang asawa ko po ay may hiram sa isang baranggay captain na nagpapatubo ng 15% per month. Nkahiram po ang asawa ko ng 100,000. Sa di inaasahan po ako po ay isang seaman na nabakante ng anim na bwan. Ngunit ang tubo po na 15,000/monthly ay hindi po natitigil..may delay man po sa payment kahit isang araw nagpapadagdag po sya s interest na minsan ay sobra sobra na..kagaya po ngayong bwan nakiusap po ang asawa ko ng palugit na ilamg linggo ung tubo po na 15,000 ay umabot na ng 25,000 un sinisingil nya. Ok lang naman po sana sa amin ang masaklap lang po ay ang pagmumura at masasamang salita na binibitawan nya sa text at tawag bukod pa sa pananakot nya n ipapatanggal kmi ng aswa ko sa trabaho at mag eeskandalo pa sya..pati na ang pananakot na ipapakulong kami.
May sapat na basihan po ba sya s mga pananakot nya...may hawak naman po kaming mga deposit slip katunayan na ngbbyad kmi ng tubo monthly khit na nadedelay po.
Sana po mabigyan nyo po kami ng payong legal..salamat po