May kaibigan po ako na nagtatrabaho sa isang book company. Every month po aside sa sweldo ay may allowances na gagamitin for mobilization, hotel accomodation. Since last year po around May 2017 ay hindi na po siya nakakatanggap ng allowances up to this present date kahit po may request siyang ginagawa sa kanyang company. May incident din po na siya mismo ang nag aabuno sa mga delivery expenses na dapat ang company nagshoshoulder noong May 2017 at noong december 2017 lang din po siya ni refund noong expense. Yung mga travel allowance din po niya ay hindi siya binibigyan kahit na may request po siya. Until po ngayon ay hindi po siya binibigyan ng refund para sa mga expenses niya sa out of town travels at client calls. Sariling pera na din niya po ginagamit niya para lang makapunta sa mga client niya. Ang nangyari po ngayon sir ay may client siya na binalacklist yung company po na pinapasokan niya dahil din po sa delay ng delivery ng company mismo po niya at pagpapabaya sa mga kailangan ng client niya. Marami din po siyang ibinigay na serbisyo sa client niya po kahit na wala pong suporta siyang nakukuha sa company especially in financial para lang po bumalik ang loob ng client sa company na pinapasukan niya. Noong na blacklist na po ng client yung company niya ay may lumapit po sa kanya na ibang company na same product din po at noong inilapit po niya ito sa client ay nagustuhan ito at nag order sa kanya. Ang sitwasyun po ay employee pa rin po siya ng company na blacklisted tapos nun nalaman po ng company niya na may naipasok siyang product mula sa ibang company ay kakasuhan po daw siya ng estafa. Ask ko lang po kung liable siya sa kasong estafa, gross negligence of duty, loss of trust and confidence at fraud and misinterpretation. Thank you