Hello po, bale update lang sa case ko:
Bale gumawa po ako ng resignation letter (Letter A) para sa HR at Head na sinasabe na hanggang May 31 na lang ako bale 2weeks notice po yun then nailagay ko din dun na hindi ko na kukunin ang sahod at COE ko para kapalit ng sobrang urgency ng pagreresign ko, syempre hindi pumayag ang Head namin at ayaw din niya ng hindi babayaran yung araw na pinasok ko so nagbigay po ako ng panibagong proposal, formal resignation na sya (Letter B) na hanggang June 14 na lang ako bale 30days notice na siya, pinag-isipan yun ng Head namin and pumayag na sya at nag-agree na din yung CEO na mag-compromise w/o being penalized dahil 2weeks pa lang naman daw ako. So ayun nabigay ko na yung letter then after a week nagbigay na yung HR namin ng "Application for Resignation" i-aattach dun yung resignation letter sa likod, ang kinagulat ko po..yung Letter A pa din ang inattached ni HR bale binura nya lang yung May 31 at ginawa nyang June 14, same letter na nagsasabi na hindi ko na kukunin ang sahod at COE ko iniba lang nya ang date. So hinanap ko sa HR yung Letter B, hindi daw nya alam at itanong ko daw sa Head ko kung nasaan. Pagka-approach ko sa Head ko kung nasaan ang Letter B ang sabi nya sa akin ay nasa HR daw, so ayun nasa HR nga dahil and Head ko na mismo nagtanong sa kanila kung nasaan. Then yung tamang resignation letter na ang naiattached ko sa Application ko, ang problema ko lang po baka kasi hindi ibigay ng HR yung sahod ko? May karapatan po ba sila dun? Gusto nya kasi na penalty ko daw yun for not following the 60days notice period, eh pumayag na nga ang Head at CEO na 30days notice period na lang.