Hi, good day! Ask po sana ng advice. Last August 2016 may property po akong gustong bilhin, schoolmate ko ung agent and ang kausap ng agent is ung Balae ng owner (nsa Hongkong po ung mag asawa na may ari ng property). Una palang sinabi ko na sa agent na iloloan ko sa pag-IBIG un para mafull-payment ko ng hindi ganun kabigat. 168sqm for 350k po ang napag kasunduan. Sabi po ng agent malinis ung titulo at walang issue un. Ang usapan po namin pag bigay ko ng down payment hihiramin ko ung original lot Title para masubmit ko sa Pag-IBIG para mareleasan ako ng loan. So ngbigay na kami ng down payment amounting to 70k, then binigay narin nila sakin ung original lot title. Dinala ko na ngayon sa Pag-IBIG branch, hindi tinanggap kasi naka Mother Title daw, 318sqm ang naka lagay, ang sabi sakin kung ilan lang ung bibilhin ko dapat un lang nakalagay sa Titulo so meaning to say need pa ipahati un. So binalikan ko ung agent, sabi ko bakit ang sabi nya malinis e need pa pala ipahati un,di tinanggap. Sabi ng agent ako as buyer ang oblidago mgpahati nun. Nadismaya ako kasi wala naman silang nabanggit sakin nung una palang and klaro sa kanila na iloloan ko sa Pag-IBIG yon, humingi ako ng computation pag pahati another 70k ang need. So i decided na iurong nalang ung pag bili dahil sa magulo at di sila klarong kausap. Prob ko po mag 2 yrs na di parin binabalik sakin ung downpayment ko. naka chat ko narin po ung may-ari and sabi nila ibabalik nila ung pera ko pero wag ko daw sila ipressure kasi mgbabayad sila kung kelan meron silang pera. Lagi po ako ngchachat sa messenger nung may-ari pero sini-seen nya lang. Nasakin parin po ung original title ng lupa nila pero hindi ko kailangan un.Need ko po ung pera. Please advice naman po on what to do. Nasa province ung property and nandito naman ako sa Manila ng-iistay for my work. Thanks and God bless.