Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Demanda at blackmail mula sa amerikanong agent

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

maundy


Arresto Menor

Magandang araw po. Nag papasalamat po ako at may roon ganitong website na malalapitan namin ng tulong.

Ako po ay isang illustrator at ang problema ko po ay sa aking agent na Amerikano.

Nag simula po ng 6 na taon ng nakalipas ng mag trabaho po ako sa isang company sa Pilipinas na kumukuha ng project sa abroad. Sa simula po ng nagtratrabaho sa company nun 2005 sa una po lahat ng ginagawa namin ay wala pong bayad sabi po kase nila parang test namin iyon at sample para sa mga clients. Nang makakuha po ako ng project ay tuwang tuwa po ako pero hindi ko daw po pwede ituloy ang project hanggang di ako pumipirma ng contract sa kanila.

Ang naka saad sa contract na lahat ng gagawin namin project na international client kahit po kami ang naka kuha ay obligado na may cut po sila na 30% sa loob po ng 5 taon ang bisa ng kontrata. Binantaan po ako na hindi ko makukuha ang project na natanggap ako kung hindi ako pipirma kaya napilitan po ako pumirma.

Yun pong agent ko wala po siya nun pumirma ako ng kontrata nasa US po siya kaya sabi nun manager nun company dito sa Pinas ipapadala muna nila sa US un contract tsaka kami bibigyan ng kopya. Hanggang sa mag expired na po ang contract ko wala pa din ako nakukuhang kopya. Lagi ko tinatanong yun manager ang lagi niyang sinasabi nandyan lang iyan at hahanapin daw niya.

Sa mga lumipas na panahon napansin ko po ni minsan ay hindi niya ako nahanapan ng project. May mga makuha man ako na project ay binibigay niya ito sa iba. May mga projects din po ako na hindi niya ako nababayaran. Kaya nag simula po ako maghanap ng sarili ko client at hindi ko na siya binigyan ng 30% na cut niya.

Ngayon po tapos na ang aming contract at pinadalhan niya ako ng demand letter na pilit nyang hinihingi ang cut nya na 30% sa client ko dahil nasa contract daw un pinirmahan namin. Kung ayaw ko daw bayaran mag renew na lang daw ako ng contract sa kanya. Hindi po ako pumayag ang ginawa po niya ay kinausap niya ang client ko kaya po tuloy binawi ng client ko ang mga projects na ginagawa ko sa kanya.

Sana po ay matulungan ninyo ako. Hindi ko po alam ang akin gagawin. Pag pumayag ako sa gusto niya na mag renew ng contract 6 na taon na naman pong naka tali ako sa kanya pero wala naman siyang ginagawa bilang agent ko.


attyLLL


moderator

if your contract says that it expires in 5 years, then it has no effect.

if this were in the philippines, you could sue the agent for contractual interference. does it have an office here?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

maundy


Arresto Menor

meron po silang office dito sa philippines.

pinipilit lang niya kase ako na mag bayad ng 30% sa mga kinita ko.

maundy


Arresto Menor

tsaka po pala hindi po siya contract kundi agency representation agreement lang po siya

attyLLL


moderator

check your contract closely. if it's expired, then he has no right to collect. if you will seek damages, you can sue it through its representative.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum