Grace,
Yung demand letter, 2 po ang layunin.
First, unang subok mo yan para magbigay sya ng sustento. Kung maganda po ang pagkagawa sa demand letter at resonable naman magisip yung dati mong partner, may posibilidad po na sa demand letter pa lang, simulan na niyang magbigay ng sustento. Kung ganun ang mangyari, congratulations.
Kung hindi naman nadaan sa paliwanag ng demand letter, magiging ebidensya po ang demand letter na sinubukan ninyong humingi ng sustento pero hindi tinugunan ng ama.
Ang mga dapat laman ng demand letter ay ang sumusunod:
- sabihin kung para kanino ang suporta (sa anak)
- sabihin kung magkano ang suportang hinihingi
- lagyan ng mga rason kung bakit ganon kalaki ang hinihingi (pagpapaaral, pakain, damit, gamot, etc)
- sabihin kung paano ipapaabot sa inyo ang suporta (suggestion is bank deposit para may record kayong pareho)
- may deadline kung kailan dapat makipag coordinate sa inyo para sa pagpapadala ng pera (suggested is 15-30 days)
- may contact details kung saan ka pwede matawagan at saan idedeposit ang sustento
Kung maayos po na abogado ang makonsulta ninyo, malamang po sinama na niya sa sulat ito.
Dahil gagamitin syang ebidensya, mas magandang ipadala ang demand letter thru registered mail or LBC/air21 para may proof of receipt.
Makalipas ang deadline sa demand letter, dalhin po ang kopya nito at lumapit sa barangay kung saan nakatira ang iyong asawa. File ka ng complaint. Huwag kang magalala, tutulungan ka ng barangay staff.
Mag-scheschedule sila ng hearing para sa inyo. Sa hearing na ito, susubukan kayong pag ayusin ng mga lupong tagapamayapa ng barangay.
Sa hearing, ipaliwanag mo lang sa lupon kung ano ang iyong hinihingi at bakit. Ang pagbabasehan mo nito ay yung demand letter na pinagawa namin sayo kanina (kaya't importante na kumpleto yung detalye na nakasaad dito. Please see the list above).
Kung hindi kayo magkaayos sa lupon, o kaya't hindi sya sumipot sa mga hearing, walang magagawa ang barangay kung hindi bigyan kayo ng Certificate to File Action, o pahintulot na ituloy ang kaso.
Iyan po ang proseso na pwede ninyong sundan sa ngayon. Take note maaaring tumagal ito ng mga 1-2 buwan bago matapos.