Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Mana mula sa magulang

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Mana mula sa magulang Empty Mana mula sa magulang Tue Jun 30, 2015 3:37 am

eworxs


Arresto Menor

hello po. need po ng legal advice sa kaso po namin. bale 4 po kami magkakapatid then namatay ung father ko last 25 ng december 2015. wala po siyang iniwang last will. bale may lupa po sya sa pampanga around 8,300 square meter. nais po ibenta ng nanay ko yung lupa ng tatay may habol po ba kami? kasi sya po nagbabayad ng amilyar nun at ayaw po nya ibigay sa aming magkakapatid yung titulo.

bale dalawa po kasi ung lote ng tatay (mana nya sa magulang) at ung nanay ko po ang nagkumbinsi na ibenta ng tatay ko ung lupa nya at bumili ng lupa at nagpatayo ng bahay sa alaminos at bumili rin po ng isang owner type jeep at kotse na nissan sentra (second hand lahat).

bago po namatay ung tatay ko isinama yung dalawang kapatid ko sa pampanga at pinakilala sa nagbabantay ng lupa na kung may mangyari man sa kanya eh sa mga anak nya mapupunta ung lupa. hindi po alam ng nanay ko yun.

dati po kasi physically and mentally abuse po ako sa nanay ko kaya 19 years old ako umalis ako ng house. di ko na kasi kinaya ugali at pananakit nya sa akin. then lahat din po ng mga kapatid ko nakaranas ng pangaabuso nya verbally at napalayas din nya mga kapatid ko. (kung may bantay bata po dati malamang po pinakulong ko sya)

39 years old na po ako pero ganun pa rin sya. may habol po ba kaming magkakapatid sa mga ari arian nila. bale yung nanay ko po may pinatayo na house sa lote na mana nya sa nanay nya then may nabili rin syang house mula sa tiyahin nya. tapos may house din sa alaminos na galing naman sa pinagbilhan ng lupa ng tatay sa pampanga at ung nga pong 8,300 square meter na lote ng tatay na balak nya ibenta. lahat po ng mga titulo nasa kanya ayaw nya pong ipakita or ibigay sa amin. kaya di po namin alam kung sino nakapangalan sa titulo at iba pang mga ipormasyon dito.

sabi nya po na sa kanya rin ung lupa ng tatay kasi sya ung nagbabayad ng amilyar.

at ano po ang habol nung nagbabantay bale po kasi inuupahan ung lupa at inatataniman 2,000 kada taon ang upa more than 25 years na po itong inuupahan.. wala nman po itong isang hectar. at namatay na po ung tunay na umuupa ang nagpatuloy po na gumamit ng lupa ung anak nya bale yun po ang humahabol sa lupa rin ng tatay.

sana po may tumulong po sa amin makuha ung share na dapat para s aming magkakapatid.

2Mana mula sa magulang Empty Re: Mana mula sa magulang Tue Jul 07, 2015 7:18 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Haba ng prob.

1. May habol kayo sa property ng lupa bilang na mga tagapagmana kahit nanay nyo pa ang nagbabayad ng taxes at kayo ay walang naambag.
2. Wala kayong habol sa property ng nanay nyo hanggat buhay pa siya. Sa kanya lang yon at pwede nyang gawin kahit ano dun sa property kahit ang ibenta pa yon para walang matira sa inyo.
3. May habol yong anak ng nagbabantay ng lupa KUNG may kasulatan na nagsasaad kung hanggan kailan ang effectivity ng pagpapaupa ng lupa. For ex: Ang kasunduan ay uupahan ng 25 years ng tig2,000 monthly. At nung nasa ika-10 taon na, namatay yong umuupa, pwedeng yong anak ang magpatuloy hanggang 25 years. Pero kung walang kasunduan na ganun, mawawala na ang bisa nun kung isa sa mga parties ay namatay.

3Mana mula sa magulang Empty Mana mula sa magulang Tue Jul 07, 2015 11:10 pm

eworxs


Arresto Menor

Maraming Salamat sa pagtugon sa aming kaso.. tungkol naman po sa tagabantay ng lupa. ang alam po namin ay walang kasulatan na nagawa nung pinaupahan sa tagabantay ung lupa ng tatay ko. tama po ang iyong sinabi 2,000 pesos ang upa ng tagabantay.. pero 2,000 po yun upa sa loob ng isang taon.. mas nakinabang po sila sa lupa ng tatay kaysa sa amin kung titignan ninyo.. ngayon po patay na ung tatay ko at patay na rin ung pinsan nya na original na umuupa bale anak na lang ang nagpatuloy para gamitin ang lupa ng tatay. kung nais man nmin ibenta ito may habol po ba ung anak gayun wala naman pong kasulatan at bale 8,300 square meter lang po ung lupa.. sa nabasa ko sa agrarian reform maaring kumuha ng lupa ung nagtatanim dito kung ang lupa ay may 5 hectars pataas. ngayon po mayron po bang habol sa lupa ung anak na nagpatuloy gamitin ung lupa ng tatay ko hanggang ngayon. ayon po isang pinsan ko nais po kunin ung parte nya sa lupa.

maraming salamat po ulit sa inyong tugon..

4Mana mula sa magulang Empty Re: Mana mula sa magulang Wed Jul 08, 2015 8:44 am

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Hindi naman lahat ng lupa subject ng agrarian reform. Hindi dahil nangungupahan sila ay automatic may right sila dahil sa agrarian reform. I-check mo sa DAR o DENR kung pati ba lupa nyo ay subject ng agrarian reform. Pwede nyo yang ibenta kung hindi. Basta pipirma lahat ng heirs o hahatiin muna bago ibenta.

5Mana mula sa magulang Empty Mana mula sa magulang Thu Aug 06, 2015 12:28 am

eworxs


Arresto Menor

Maraming maraming salamat po sa inyong naging kasagutan.. nagkaraoon po ako ng impormayon kung ano po ang dapat kong gawing..

6Mana mula sa magulang Empty Re: Mana mula sa magulang Thu Aug 20, 2015 3:55 pm

tan_zaldy@yahoo.com


Arresto Menor

GOOD DAY PO kami po ay mga occupant ng MABASA FAMILY NA lupain abandonado na sa DENR YUN ang naka sulat sa computer sa tagal namin nanirahan mga 85 years na walang na claim/// ngayun nag pasukat kami sa tinitirikan naming bahay at may isang taga bayan ang lumabas n sia raw ang HEIRS kaso wala siang dokumento at yung apelyido nia NIBASA hindi MABASA/// ang nasa title sa registrar of deeds MABASA ANG APELYIDO,,, ngayun yung NIBASA nag pasukat ng relocation kabouan ang lote n MABASA.. ask ko po may tindensi ba na mapasa kanya ang lupa eh wrong spelling po apelyido nia at walng dokumento na pinan hahawakan eh nag pasukat na sia ng kabouan kahit d pa ayus apelyido nia...zaldy po ito ng jaro leyte... na bagyong YOLANDA na nga sira pa bahay namin tapos purpose ng nagaangkin palayasin kaming lahat na mga residente..2.6 hectares kasi ang kabouan ang lupa ni MABASA at inaangkin ng stranger na NIBASA...

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum