Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

perang suporta sa mga anak muling hinihingi mula sa umpisang maihulog sa bank account na bigay ng tatay ko at ng dati kong asawa

Go down  Message [Page 1 of 1]

gen_lu


Arresto Menor

Good evening po. Nakatira po kami noon ng dati kong asawa (buntis sa 2nd naming anak) at panganay naming anak sa aking mga magulang. Taong 2002 po ng lumayas ang aking asawa dala ang aming anak na hindi nagpapaalam sa akin na siya ring umpisa ng tuluyan naming paghihiwalay. Hindi po nagtagal ng mag-away din kami ng tatay ko at ng aking mga kapatid kaya pinalayas nila ako. Lumayo po ako sa kanila at nagsikap hanggang makahanap ng trabaho abroad. Habang malayo po ako ay wala akong kamalay-malay na bumalik pala sa poder ng tatay ko ang dati kong asawa at 2 naming anak. Nang malamang may trabaho na ako ay pinadalhan ako ng sulat ng isang abogado sa pinapasukan kong kumpanya na nagsasabing magbigay daw ako ng financial support sa mga anak ko kundi idedemanda ako ng tatay ko. Naayos po ang sustento at mula september 2008 ay buwan-buwan kong hinuhulugan sa bank account na nakapangalan sa pangangay kong anak na babae at sa tatay ko bilang guardian ng mga bata. Last year lang po noong magpasya na akong magpa-annul ng kasal ko dahil parehas naman na kami ng dati kong asawa na may sarili ng pamilya. Ngayon po ang problema ko ay habang umuusad ang annulment process ng kasal ko ay hinihingi uli sa akin ng dati kong asawa ang perang naihulog ko sa bank account mula noong 2008. Sinasabi niya na payag daw siyang pa-annul ang kasal namin at hindi na siya magtetestify at magprepresent ng evidence niya sa korte kung ibibigay ko sa kanya yung perang naihulog ko sa bank account na nakapangalan sa aming anak at tatay ko. Dinadahilan niya na wala daw siyang natatanggap na pera mula sa akin at kung meron mang tulong financial ay galing daw yun sa mga kapatid ko. Nang makapag-ayos kami ng tatay ko ay tinanong ko siya kung meron pa bang perang natitira sa mga pinapadala ko. Ang kasagutan naman niya ay yun ang unti-unti niyang binibigay sa mga bata para sa mga pangangailangan nila. Kailan din lang ng mapag-alaman kong kasama pala siya ng tatay ko ng huminigi ng sustento sa akin. Tinatanong ako ngyon ng abugado ko kung kaya ko bang ibigay yung perang dati ko ng naibigay at kung hindi ay hanggang saan daw ang kaya kong ibigay. Hindi po ba blackmail na ang ganitong demand sa akin ng dati kong asawa? Muling hinihingi sa akin ang perang hindi ko naman hawak at matagal ko na ring naibigay sa kanila. Kapalit daw nito ang pananahimik na niya sa kaso ng annulment namin. Ano po ang gagawin ko ngayon? Please po bigyan niyo ng katugunan ang suliranin ko.
Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum