magandang umaga po, nais ko po sanang itanong kung ano po ang pwede kong gawin, kasi po may idenemanda po akong tao, na nakabaril sa anak ko, naghi-hearing naman po kami at nagkasundo sa mediator na ise-settled nila ang nasabing bayarin, ngayon po dumating sa puntong hindi na sila makabayad sa tamang petsa ng aming napagkasunduan. Nagulat na lang po ako, na sa loob ng pitong buwang nakalipas ay nagkontra demanda sila sa amin ng anak ko naman pong babae, na sinaktan daw namin sila at binugbog ng araw na nabaril po ang anak kong lalaki, nakapagfile po sila ng demanda sa akin sa tulong ng baranggay, dahil dun po sila nakahinge ng certificate of file action. ang pinagtataka ko po, bakit sa loob ng pitong buwan ay saka lang nilang naisip na magkontra demanda sila laban sa amin ng anak ko, gayung hindi sila nakakatupad sa amicable settlement.
maari po ba nila kaming idemanda matapos ang pitong buwan na pananahimik nila? sana po ay mapayuhan niyo kami.
maari po ba nila kaming idemanda matapos ang pitong buwan na pananahimik nila? sana po ay mapayuhan niyo kami.