Pilit nilang sinasabi na pineke ko daw pirma ng lolo at lola ko e high school pa lang ako ng ginawa ng lolo at lola ko yun malay ko ba dun. Yung share ng nanay ko ipinangalan na sa akin dahil sabi ng nanay ko sakin din mapunta yung ibinibigay sa kanya pagdating ng panahon. At kasama ko lolo at lola ko sa lupa na yun dahil dun kami nakatira.
Nang mamatay lolo ko at nagkasakit lola ko ginamit pa nila lola ko para siya mismo magdemanda laban sa akin na hindi naman nila dinadala sa korte hanggang mamatay na after 5 years.
Masama pa sinasabi nila na ako me hawak ng lupa e pinaalis nga nila ako nung pagkagraduate ko ng college mula sa bahay na kinalakihan ko at sabi nila e habang buhay pa lola ko nuon siya daw me karapatan dun sa lupa na yun.
Sila nakikinabang ngayon dun sa lupa ngayon ako na lumalabas na me ari nun e tagabayad lang ng amilyar dahil natatakot ako na makasuhan pa ng hindi pagbayad ng buwis sa lupa, habang sila ang kumikita dun. Pinagbabawalan pa nila ako lumapit at pumasok dun sa lupa ko.