Paadvice naman po sa case ko. Meron pong nananakot sakin na kakasuhan daw po ako ng criminal case pero feeling ko innocent naman po ako kasi di naman totoo yung paratang niya sakin. Kapitbahay ko po siya at malaki po ang chance na idemanda niya ako just for the sake na maabala ako since ofw po ako. Kung sakaling ireklamo or idemanda niya ako handa ko naman po harapin para matapos na pananakot niya. Gusto ko lang po malaman na incase mareklamo or mademanda ako pwede ko po ba sabihin sa korte na ischedule nila yung hearing sa mga araw na nakabakasyon ako sa pinas? Parang unfair naman po kasi kung ipahold nila ako kapag asa pinas ako kung di pa naman po proven na guilty ako. Kaya ko din naman po mangako na babalik ako within a certain period since 2x a year po kung magbakasyon ako sa pinas. Sigurado po kasi na wala akong mababalikang trabaho abroad kung madelay ako ng 1 to 2 months.
Naisip ko din po na since lahat naman ng tao pwede magdemanda sa kahit kanino basta ginusto nila, paano po ang solution ng gobyerno para maging fair sa mga ofw na siguradong mawawalan ng trabaho kung madedelay sila sa pagbalik abroad if aabutin ng morethan 1-2months once na idemanda sila dahil sa mga hearing. Pwedeng pwede po kasi siya gamiting pangblackmail. Salamat po.