Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

balik demanda

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1balik demanda Empty balik demanda Wed Sep 05, 2012 4:32 pm

Coldnight


Arresto Menor

Magandang araw po,

Nagkaroon po ng kaguluhan dito sa loob ng aming bahay sa pagitan ng aking kapatid na si I.J., kasama ng kanyang mga anak na si W.M at K.M, pumagitna ang aking anak na si Mr upang pumiit sa nangyayaring kaguluhan dahil sa hindi pagkakaunawaan, ng matapos na ang kaguluhan ay nag usap kami ng kapatid kong si A.J

at Habang nag uusap kami ng kuya ko (nakasara ang aming pintuan,) ay may dumating na mga pulis, kumatok ito at sinabing lagi na lang kaming nagkakagulo, nakita ng pulis ang tubo na samurai sa aming upuan, nakapatong ito sa upuan at sinabi ng pulis na kung yun daw ang ginamit sa pagkakagulo, sabi namin hindi yan ay pangsariling gamit-display dito sa bahay, hinawakan ito ng anak kong si mr subalit pumasok na sa loob ng bahay namin ang mga pulis at kinuha ang nasabing tubo-samurai..

isinama ako ng pulis sa presinto na hindi malinaw ang dahilan, hindi man lang sila nagpakilala kung sino sila at hindi rin ako sinabihan ng dahilan para sumama.. pinasunod ko ang aking anak na si mr kasama ng aking apat na taong gulang na apo, at binilinan ko na pumunta sa kanyang tiyuhin para gumitna sa ano mang pag uusapan sa municipyo.. nakasakay ako sa mobil samantalang ang aking anak ay sa aming motor kasama ng aking apo nakasakay.

ng dumating kami sa municipyo, ay kasunod ko rin ang anak kong si mr, nagkaroon ng kaunting sagutan ang aking anak at si I.J., sinabihan ko na lang si mark na pumunta na lang siya sa kanyang tiyuhin, subalit piniit na ang aking anak ng pulis at tinanong kung saan pupunta? Di raw pedeng umalis ang anak kong si mr, dalawa na daw kaming magsama sa loob, pagkatapos isinakay na kami sa Mobil at dinala at minedical kaming dalawa ng aking anak. Matapos kaming ma medical ay bumalik na ang mobil sa istasyon ng pulisya at itinuloy na kaming ikinulong ng aking anak na si mr na hindi na nagkaroon pa ng anumang paghaharap sa pagitan ko at ng aking kapatid.

Ang aking apo na apat na taong gulang, ay ibinigay ng mga pulis sa kapatid ko na nagrereklamo laban sa akin.

Kinabukasan, inilabas kami ng kulungan para I inquest, nakita ko ang kapatid ko at sinubukan naming itong kausapin subalit sinabi ng pulis na hindi na daw naming pedeng kausapin ang complainant dahil buo na ang papel ng reklamo.

Na inquest kami at nasampahan ng mga kasong

Unjust Vexation

Grave Threat

BP6

At RA7610

Makalipas ang isang lingo, Viernes ay pinalaya na kami mula sa pagkakapiit sa bisa ng court order to release dahil ang apat na kaso na isinampa sa amin ay na dismiss for lack of factual basis.

Ang nais ko pong malaman ay kung may nalabag po ba sa aming karapatan sa ginawang paghuli ng pulis sa amin at sa paglalagay sa piitan?

At kung sakali po naman, maari ko po bang sampahan ng kaso ang aking kapatid at pamangkin, dahil sa ginawa nilang pagdedemanda na hindi napatunayan laban sa akin at sa aking anak ?

Kung ito po ay maari, ano po kaya ang mga kaso na pede naming isampa laban sa kanila, at kung maari sa mga pulis kung sakali, at saang ahensiya po kami dapat lumapit at magsampa ng kaukulang reklamo?

Inaasahan ko po na mabibigyang linaw ninyo ang aking isipan ukol sa mga bagay na ito, maraming salamat po at magandang araw, Sumaatin nawa ang pagpapala at bendisyon ng makapangyarihang DIYOS, Lubos po ang aking pasasalamat at pagtitiwala sa inyo at sa katarungan ng ating batas.

2balik demanda Empty Re: balik demanda Sat Sep 08, 2012 2:23 pm

attyLLL


moderator

you can file a case of illegal arrest

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum