Any help and advice po. May nabili po kami lupa Nung 2015, naka mother title pa. Tapos Yung binili namin lupa pinaindividual title napo. Nung lumabas ang titulo nagkabaligtad na ang supposedly binili namin ay napunta dun sa kapatid ng nagbenta. Na ngaun taon lng namin napansin..Ngaun po 2018 ipapatransfer Sana namin ung title under our name tapos advice po ng taga RD magpagawa nlng kmi Deed of exchange under ng name Nung kapatid Kung San napunta ung lupa binili talaga namin. Pumirma naman po sya. Tapos advice ng bir Kung ang gagamitin dw ay deed of exchange sobra laki ng babayaran kasi 2 titulo ang aayusin. Ngaun nagpagawa po kami bago deed of sale Para mas mabilis din sana process ng pagtransfer ng lupa kaso ayaw na pumirma Nung kapatid ng pinagbilhan namin Dahil sinusuhulan ng mga anak na wag pumirma. Dinala na nmin s barangay pero Hindi sila nakipag kooperasyon. Nung Inilapit nmin sa kakilala abogado ang Sabi ung Mismo binilhan namin ang makakasuhan Hindi Yung kapatid nya na kahit pumirma ng deed of exchange na ayaw nmn makipag kooperasyon at pumirma ng deed of sale. Any advice or help po ano maganda gawin..kasi ung binilhan nmin nakikipagtulungan naman samin talga at nakikiusap sa kapatid nya papirmahin dun sa deed of sale. Willing na mapatunayan Nung binilhan nmin na lupa nya ang binenta nya na napunta sa kapatid. May kaso po ba pwede isampa dun sa kapatid nya ayaw makipagkooperasyon at pumirma sa deed of sale kahit na nakapirma na sya sa deed of exchange?
Free Legal Advice Philippines