Hingi lang po ako ng payo kung anong magandang gawin. Suspendido po ako sa trabaho ng di ko alam kung ilang araw sa kadahilanang pinagbibintangan ako na pag-aari ko po ang isa sa mga sasakyan ng supplier kahit po nag-imbestiga na sila na lahat ng papeles ay hindi naman sa akin nakapangalan. Dagdag pa po sa allegations ay nag solicit daw ako at nangungutang sa suppliers ng walang bayad.
Binigyan lang ako ng 48hrs to explain pero binawi na po lahat ng na issue sakin like phones and keys sa workplace ko. Ano po bang magandang gawin? Gusto kong idepensa sarili ko kasi wala namang katotohanan ang lahat ng ito. May pag-asa po bang maicorrect pa to at ilaban kung ang mga nakaupo at matatagal na sa kumpanya ay pinagbibintangan ako?