Ako po ay solo parent na may 3 yrs old na anak at kasalukuyang naninirahan sa isang subdivision sa dasma. Nais ko lng po sanang mgtanong kng maaari kong ipa-assume ang bahay ko na 8 yrs ko nang hinuhulugan sa pag-ibig, tapos ay kukuha ako ng bahay na may mas mababang amortization sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) mula sa perang mapagbebentahan ko ng aming bahay. Hirap na po kc ako sa pagbabayad ng monthly amortization dhl sa mag isa ko pong tinataguyod ang aking tatlong gulang na anak at ang aking senior citizen na ama. Palagi po akong delayed payment sa pag-ibig , at laging nae-endorse ang acct ko sa mga lawfirm ng pag ibig. Question: 1. kailangan po ba na updated ang payment ko sa pag- ibig bago nila ako payagan na ipa-assume ang bahay ko? (6 months delayed payment). 2. Papayagan ba akong kumuha ng bahay nang NHMFC kng may previous acct ako sa pag-ibig na pina- assume?, Hnd po ba ako ma- block list sa NHMFC? Sana po matulungan nyo ako.
Thank you.