May problema po ako sa naibenta naming property ng kapartner ko noong May 2005. Nakamortgage po ito dati sa NHMFC, kaya binayaran po namin ang balance, na base sa computation na lumabas sa kanilang computer. Nakasaad sa aking resibo na full payment ang binayaran ko, pero after 2 months, instead na irerelease na nila ang titulo, sinabi nila na kulang pa kami ng Php155k. nagagalit ngayon ang buyer namin,dahil di nya makuha ang kanyang titulo. Ang mahirap po nito patay napo un kapartner ko at ubos na ang aking pera. Despite of that, nagtungo parin po sa NHMFC para liwanagin ang bagay na ito pero pinanindigan nila na kung di ko babayaran ang balance di nila ibibigay ang titulo. Sinabi nila, dahil nasa kanila ang pagkakamali, stop na ang penalty at discounted ang aking babayaran na halagang P114k nalang. Ngunit verbal agreement lang at isinulat lang ang halagang P114k sa harap ng printout(statement of account). Sumapit po ang Taon 2010 bago ko naproduce ang nasabing halaga, nang pumunta po ako sa NHMFC, wala na don ang taong kausap ko at lumaki na ng humigit P220k ang utang ko, at patuloy pa itong tumutubo hangang di ko nababayaran ang kabuuan... Ano po kaya ang pwede kong gawin? Sumulat napo ako sa kanilang pinakamataas ngunit wala silang sinasabi kundi bayaran ang nasabing tumutubo pang halaga.... Meron po ba akong legal na aksyon na pwedeng gawin? Sana mapayuhan nyo po ako, bago pa po ako idemanda ng taong pinagbentahan namin.... Salamat po
Free Legal Advice Philippines