Meron pong nag assume ng property ko pero di sya tumupad sa kasunduang pinirmahan nya. Dagdag pa nito, naging blacklisted po ako sa PAG-IBIG dahil sa hindi nya paghulog ng monthly amortization habang ako ay nasa labas ng bansa. Ipina barangay ko na po sya, ngunit napag alaman ko pong umalis na sya sa bahay at di na rin po sya malamang makaka attend ng barangay hearing. Maaari ko po bang ipaalam ito sa trabaho nya? Alam ko po kung saan sya nagtatrabaho, pwede ko po bang ipagbigay alam sa amo nya? Me balance po kasi sya pati sa tubig, kuryente at Homeowner's Association kung saan ako po lahat ang nakapangalan doon. Alam ko pong aakyat sa Small Claims Municipal Trial Court pag di sya umattend ng 3 beses sa barangay. Ang worry ko lang po at baka mag abroad po sya at tuluyan nya na akong takbuhan. Pwede po ba akong magpa Immigration Lookout Bulletin Board/Hold Departure po ba yun? Kelan po ba aabot sa NBI record nya na meron syang tinakbuhang tao?
Maraming salamat po sa advice.