At the moment po yung house namin is naka inhouse financing gusto naming ilipat sa bank financing para mas mababa ang monthly kaya lang sabi ng developer 8 months daw ang kakailangin para sa document processing kaya ang sabi nila yung partner na bangko na lang daw nila ang lipatan namin para less than 4 months na lang daw ang processing at sila(developer) na ang magprocess para daw di na kami pabalik balik sa bangko para magprocess ng transfer at wala na din kaming babayaran.
Bale ngayon po nag second opinion kami, nagpunta kami sa ibang bangko na hindi naka tie-up sa developer nung sinabi namin yung sitwasyon sa manager ng bangko napansin namin na nagulat yung manager at parang nagtaka kung bakit ganun katagal tinanong namin sa manager nung bangko kung ganun ba talaga katagal ang processing at procedure pero hindi naman sya nagbigay ng direktang sagot at kung pano gagawin para mapabilis ang transfer ang sabi lang samin is tumawag sa developer at iendorse yung bangko nila.
Questions po.
1. Aabot pa talaga ng 8 months ang processing ng inhouse to bank financing ng bahay? bakit?
2. Since I am an OFW may way po ba na mapabilis ang processing ng transfer? (let`s say mga 1 or 2 months or less) Paano po ang gagawin?
3. kailangan po ba ng lawyer as middleman to speed up the processing?
uuwi po kasi ako sa katapusan ng March at 2 weeks lang ang bakasyon ko kaya gusto ko po sana kahit papano mas mapabilis or may masimulan na step sa paglipat sa bank financing
thanks po