Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Bank Loan. I need advice...

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Bank Loan. I need advice... Empty Bank Loan. I need advice... Wed May 09, 2012 12:12 am

BrightIdea


Arresto Menor

Meron po kasing kaming family business yung mga documents like DTI permit ay nakapangalan sa father ko pero ang nagpapatakbo in general is yung brother ko. Nag loan kami sa bank nang 2008 and ang ginamit na documents ay sa father ko. Pagdating ng 2009 nailipat na ung company sa brother ko. Yung affidavit of transfer of busniess name & affidavit of cancellation of business name w/ no financial obligation ay naipanotarized nung march 2009 at DTI naman na naitransfer na rin nung july 2009. Sa kasamaang palad bumagsak yung negosyo hanggang sa hindi na nahuhulugan yung monthly amortization ng machine sa bangko. Nung nagkakaproblema na sa payments yung bank na ang tumawag regarding sa mga bouce checks. Nainform na rin naman namin yung bank na naitransfer na yung company under my brother’s name. Tuloy tuloy naman po yung pakikipagusap namin sa bangko at wala naman po kaming na rerecieve na any demand letter. Pero nung may 2010 nakarecieve na po kami ng formal demand letter na nakapangalan sa brother ko. So inakala na rin po namin na sa brother ko na nga po sila naka-focus dahil base na rin nga po sa demand letter na pinadala nila at naipadala na rin po naman namin sa kanila yung mga documents regarding sa pagtransfer ng company. Ang problema po ay naibenta na ng brother ko yung machine kahit alam nya na nakaloan pa ito sa bangko at hindi pa ito bayad. Binenta nya rin ito nang hindi alam ng father ko at ng buong pamilya. Ngayon po ang pinagtataka namin ay bakit yung father ko pa rin yung hinahabol nang bangko gayong ang demand letter sa ipinadala nila ay nakapanglan na sa brother ko. May pananagutan pa rin po ba yung father sa bangko? Ano po ba ang pwede nya gawing depensa para mai-out siya sa kaso? And if ever po ba na maisauli yung machine sa bangko ay possible na madismiss na nag kaso? Sana po ay mabigyan nyo ako nang payo. Naawa na rin po kasi ako sa father ko dahil matanda na rin po siya. Maraming salamat po!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum