Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Planned Termination

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Planned Termination Empty Planned Termination Fri Feb 23, 2018 8:06 am

unreferred


Arresto Menor

Hello, sir mag seek lang po ako ng advise.. i'm working na po sa isang company for 10 years.. at this year po nagsabi po ako na plano ko magbalik study thru tesda.. pero sinabi ko naman po na i will try to look for a sched para mapag sabay ko ung work at aral.. nagbigay na rin naman po ako ng date kung kelan ko balak..

Pero ngayon po parang kinakausap ako na kung kelan po ung last month ko para makapag PO sila ng kapalit ko.. at binigyan nila ako ng hanggang May.. tanong ko lang po kung ground po ba iyon sa termination o force resignation? Kasi di pa naman ako nagpapasa at gusto nila by that June aalis na ako kahit labag pa ito sa loob ko?? At gicen na di pa ako nagpapasa ng resignation letter dahil naghahanap pa po ako ng sched na suitable sa work sched ko..

As per their views on my planned study.. hindi daw ako makakapag focus sa work kung ipagsasabay ko... pwede po bang i ground nila sa akin ung not performing well para i terminate ako at hindi sila magbigay ng dapat na para sa akin?? At kung may karapatan po ba ako nag stay kahit past May na as long as hindi pa ako nagpapasa ng resignation letter?? And if they forced me to pass ano po ba pwede ilagay doon para lumabas na forced resignation sya?? Ang hirap po kasi na na pinepressure nila ung tao na mag resign kahit labag sa loob ng empleyado para wala silang babayaran na compensation na na aayon.. i ask ko na rin po kung saan pwede kumuha ng attorney para dito.. kasi di naman po biro ung 10 years na stay ko at wala akong compensation man lang kapag umalis na sapilitan..
At kung ano pong pwedeng ibedensya na pinupwersa akong magpasa ng resignation within a given date kahit labag pa sa loob ko..
Sana po matulungan nyo ako kasi malapit na po ung deadline ko... Salamat po!!



Last edited by unreferred on Fri Feb 23, 2018 9:04 am; edited 2 times in total

2Planned Termination Empty Re: Planned Termination Fri Feb 23, 2018 8:56 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

Una isipin mo kung ano mahalaga sa iyo, trabaho o pag aral. mahirap pag sabayin yan lalo na kung yung management ninyo di open na bigyan ka ng pagkakataon na ipag sabay ang trabaho at pag aral.

kung trabaho ang mahalaga, wag ka mag resign. Kung priority mo work habang nag aaral ka (nakakuha ka ng sched na fit at di mag overlap sa work mo), be prepared to drop your studies, including wasting the money you spent for your enrollment kung dumating ang pag kaka taon na pina pili ka ng kumpanya mo. mahirap mag trabaho ng full time at mag aaral ka. maapektuhan ang trabaho quality ng trabaho mo dahil sa kulang ng pahinga.

kung pag aaral ang priority mo, pag handaan mo na ang pagkawalan ng trabaho mo. either mag resign ka na ngayon para di sagabal sa iyong pag aaral ang trabaho mo or ma terminate ka in the future dahil sa poor performance.

Sagot sa mga tanong mo:
1. di grounds for termination ang pag declare mo na balak kang mag aral ulit. pag di ka nag pasa ng resignation letter wala silang magagawa at di ka nila pwede paalisin.
2. pwedeng grounds for termination due to non-performance, but they need to prove this.
3. may karapatan ka mag stay sa company as long as you want even past may kasi di ka naman resigned or na terminate.
4. they cannot force you to pass, unless you are held at a gun point. just tell them you have no intention to resign
5. evidence = email nila sa iyo, ask them for a letter or summary of minutes of your discussion.
6. regarding atty, inquire sa PAO,

Questions sa mga nasulat mo.
a. what do you mean compensation na naayon?
b. Una, sinabi mo 10 years ka, then sa dulo ng letter mo sinabi mo 5 years ang stay mo. Ano ba totoo?

3Planned Termination Empty Re: Planned Termination Fri Feb 23, 2018 9:03 am

unreferred


Arresto Menor

Sorry sir 10 years po sa company... If even i force resign nila ako.. ano po ba ung pwedeng ilagay na reason para ang labas ay force lalo na kung hinihintay na nila ung resignation mo by April kasi nag hire na sila ng bago na makakapalit mo..

4Planned Termination Empty Re: Planned Termination Fri Feb 23, 2018 9:37 am

lukekyle


Reclusion Perpetua

wag ka lang magbigay ng resignation. pag nag resign ka tapos i-claim mo na forced sya mas malabo manalo if ever mag file ka ng complaint. mahirap patunayan ang forced resignation. Ang pag ask sayo or pag convince sayo na mag resign kay ay HINDI forced resignation.

Antayin mo na i-terminate ka nila para makakuha ka ng separation pay. If ipipilit mo na mag resign at i-claim na forced yun chances are wala kang makukuha

5Planned Termination Empty Re: Planned Termination Fri Feb 23, 2018 9:44 am

unreferred


Arresto Menor

Salamat boss mga.. sige bahala na lang sila sa i grounds nila sa akin para masabing terminate ako.. at irerecord ko sa susunod naming pag uusap ng manager ko ung mga sasabihin nya.

At sana matulungan nyo ako sa aking irerespond kung sakaling hingin nya na ung paper ko by march.. medyo di kasi malakas loob ko sa mga ganitong bagay.. yung reply na medyo confident pero di naman ung rude pero gusto ko lang iparating na kung pipilitin nila ako mag resign ay that is a legal matter na, na hindi naman nag mumukhang threat sa kanya o company..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum