Hi po, magtatanong lang po regarding sa nangyayari sa company namin ngayon. Nung pumirma po kasi kami ng contract more than a year ago, my pinakita po yung company ng plan ng pag increase ng sweldo kaya namin pinirmahan yung contract. IT company po yun. Ngayon po wala sila halos project tapos po ngkaroon po ng retrenchment. Yung mga naiwan po, kami, dpat my increase na po kami nung july based dun sa pinakita nilang salary adjustment plan, pero hanggang ngayon po wala. Tapos po ngayon kinausap po kami about dun. dpat po kasi mag iincrease po kami minimum eh 5k to 10k po based dun sa scheme ng salary na talaga naman pong sinusunod nila sa ibang batch ng employee. Pero po since nasa economic crisis daw po. Ang increase nalang ay nasa 500-2k. Pwede po bang ganun? Unfair po kasi yung nga previous batch ok increase nila 3 months ago, tapos kami ganun lang. Di po ba dapat maforce sila ipatupad yung plan na un kasi yun talaga main reason kung bat kami pumirma eh. Pwede po ba mavoid contract nila, nagbreach po ba sila dun khit sabihing hindi siya naging part ng contract pero kung hindi dahil dun hindi kami mapapapirma tapos po pinakita pa nila yun nung pirmahan ng contract? Tiniis kasi namin yung maliit na sweldo dahil dun tapos ngayon hindi nila susundin yung pinakita nilang salary adjustment. Gusto na po kasi namin talaga umalis sa ginawa nila kaso naiipit po kami ng bond eh.We find in unfair sa batch namin sana niretrench nalang din kami kung di nila kaya, kaso iniipit kami talaga. Gusto namin ipaglaban yung increase na pinromise nila. Wala daw po kami magagawa or ibang pwedeng maging option, kundi tanggapin na ganun naging desisyon nila. Napagiiwanan na po kami in terms sa sweldo ng kalevel namin na one year exp. Thanks po in advance. We really need an advice.