I need any advice regarding unpaid salary.
- Story
- I'm an artist working here in the PH, noong 2013-14 I started working for a company as a full time in-house freelance or kung may ganung status ba talaga. We finished a certain movie project but we are delayed for almost 4-5months. We are only a small team around 12 yata. Everything is going well until we hit november-december 2013, nawalan na kami ng sweldo. Naubos daw yung budget. But since we know the owners/directors of the company and the man behind the movie we decided to continue to finish it, but with the promise that they will pay after. Gumawa pa ako promisory note para sa akin, indicated syempre kung magkano yung kulang nila. Humihingi sila ng pasensya at extension, inintindi ko naman. But that was years ago.. I asked for updates for the unpaid salary twice at 2014, once in 2015 kaso wala pa daw, naghihintay sila ng big break daw para makabayad while working on other projects big or small. Kami yung laging nagtatanong sa update, di pa nmin malalaman kung ano status kung di pa kami magpaparamdam. Di naman namin kasalanan kung may project sila or wala.
I'm about to ask them again now but I don't know what to say, I mean yung di sana aabot sa away or legal since kilala namin sila. But we're at the point of going legal, 6 digits po yung utang nila sa akin, at iba pa yung sa ibang kasma ko. Pinagpagudan at pinagtiisan ko at ng mga kasama ko na matapos yung project pero nakakadismaya lang na eto yung ibinabalik sa amin. Nawala na ang tiwala namin sa kanila.
- Question
- Ano anong pwedeng paraan para makapagbayad sila, halata kasi na inuuna nila yung ibang bagay bago yung mga tao na tumulong sa kanila?
- May nalaman ako na after 3 years daw na di kami gumawa ng legal way about sa issue eh mawawala na yung utang nila, or parang paso na yung deadline, or parang dating kasi eh sinabi na lang namin na hayaan na lang nmin mawala na ayaw naman namin mangyari.
- Kung magtatanong ulit ako ng update, ano ang pwede kong sabihin na matatauhan sila na mayroon pa silang kailangang bayaran, halata kasi na tinatakbuhan nila kami, lumipat pa sila ng bahay ng di namin alam..
Ordinaryong artist lamang po ako na naghahanap buhay ng tama, kahit madaming OTs na di bayad naging okay lang sa akin para sa kanila at sa project, matapos lang ika nga, pero para gawin nila to, nakakadismaya lang talaga. Marami na din ako naging bayarin dahil sa sakripisyo na magtrabaho ng walang sahod ng halos 5 buwan. Magtatanong pa lang po ako sa abagoda na kakilala ko pero gusto ko din muna malaman ang mga idea nyo dito.
Sana po ay may advice kayo sa anong hakbang na pwedeng gawin.
Salamat