Tanong ko lang po kung sa batas ba kailangan ibalik ng landlord un deposit mo kung ayaw mo na i extend stay mo sa nirerentahang space o kailangan i consume mo un deposit. Balak po kasi sana namin i consume nalang un deposit kaso nun sinabi namin un sa landlord ay nagmumura na sya at nagagalit sa amin. Aalis na po sana kami dahil araw araw siya nagwawala dun sa pwesto na pinaghahatian namin kung saan doon din sila nakatira at nag bubusiness. Naaapektuhan ang business namin dahil sa lagi niya pagwawala at pakikipag away sa kanyang asawa. Sana po ay matulungan nio ako.salamat po
Free Legal Advice Philippines