Hi Atty,
I have a query regarding my 13th month pay as a resigned employee, I resigned with my employer effective Nov. 10, 2017, as of now, I am still not able to receive my last pay and 13th month pay.
Buntis po ako 8th months now, one of my main reason that's why I resigned is that according to my OB sumasagabal ang stress sa paglake ng bata. Ang nature of work ko po sa company ko ay once a week nasa field at stressful din po ang pressure as of this time sa akin galing sa superior ko kaya mas minabuti ko na lang po mag file ng resignation.
Nakapagendorse naman po ako ng maayos sa naiwan kong co worker na syang country manager din ng company. Pero nung time na maka one month napo akong resigned at I was expecting to receive my 13th month pay before mag Dec. 24, sabi po saken ay di daw pwede nila irelease ang 13th month ko hanggat d ko nareresolve ang mga pending issue ko sa kanila, which is I think wala naman po akong pending issue on money, kung sa work man yun po yung mga iniwan na trabaho na ang papalit na po saken ang dapat gumawa dahil magrerely po ang approval sa government agencies hindi po sa akin.
Ang tanong ko po ay ito, nasa batas po ba ng labor na kailangan mareceive ng isang resigned employee ang kanyang 13th month pay katulad ng sa mga employee before December 24? At may rights po ba sila i hold ito?
Sana po ay matulungan nyo ako kailangan ko din po ang pera para sa nalalapit kong panganganak.