Hi. Ask ko lang kung anong pwedeng case ang gawin kasi yung boss ko parang pinag iinitan ako para mapilitan ako mag resign. Hindi na niya ako binibigyan ng work kahit humihingi ako, yung mga issues and concerns dun sa mga handle kong case kahit ifollow up ko yung status, hindi niya ako binabalikan. Yung mga dati kong ginagawa hindi na niya pinapagawa sa akin kahit umattend ng seminar na related sa mga handle ko na issue, hindi na niya ako pinapa attend. Para akong floating employee. Pati yung VL ko inipit niya. Nag bigay ako ng one month notice kasi kasal yung dadaluhan ko. Hindi niya ako pinayagan kasi may scheduled training daw yun whereas in fact yung training pwede naman ma reschedule since malayo pa naman. Pero mememohan daw niya ako ng insubordination pag tinuloy ko yung leave ko.
Nilalapit ko sa hr pero wala rin naman action ang hr. Dinodocument ko na lang lahat ng pwedeng idocument para kung baliktarin ako ng boss ko, may proof ako.
Gusto ko na mag resign pero ayoko umalis ng walang laban. Ano pa bang pwede kong gawin pag ganito na ang situation?