Good evening po. Consult ko lang po anong hakbang ang dapat sa sitwasyon ko. Nangutang po kasi ako ng P10,000.00 sa ka-trabaho ko nung katapusan ng October, pero naibigay nya sakin ang P4,000.00 November 6, 2017 na. Nabuo yung P10,000.00 nung November 10, 2017... parang naging hulugan ang pagpapahiram nya sakin. Ang usapan namin ay 10% kada buwan ang interest at 2 months lang tatagal ang utang. November 15, sinisingil na nya ko ng P3,000 para sa paunang installment pero hindi ako nakapagbigay since hindi pa po umiikot yung pinaggamitan ng hiniram kong pera sa kanya. Pinagbigyan nya ako ng hanggang November 29 pero hinihingan ako ng P400 na penalty sa hindi pagbabayad ng installment (na wala sa aming usapan). Since wala po talaga akong funds, di parin po ako nakapag-bayad sa nasabing date. December 15 ay makakakuha ako ng pera na pwede ko nang ibayad sa kanya ng buo, pero sinabi nyang ang interest ay mananatiling 20% kahit wala pang 2 months at kailangan din mabayaran ang mga penalty. Naisip kong sobra-sobra ang hinihingi nya sa napagusapan namin kaya hindi na muna ako nakipag-communicate pansamantala sa kanya, gawa narin ng maselan kong pagbubuntis sa stress. Ngayon po ay kung anu-anong ipinapakalat nya sa aming opisina tungkol sakin, sa aking asawa at iba pang miyembro ng aking pamilya. Gusto ko lang po sana kumuha ng advice paano haharapin ang ganitong problema. Salamat po.
Free Legal Advice Philippines