Good day!
Hingi lang po ako ng advise regarding sa loan ko sa isang tao amounting to 10,000...ang term po kc na binigay nya ay 5 days tapos 20% ang interest, pag di nabayaran within 5 days magkakaroon ng penalty na 4% per day kaya pag binayaran after 10 days ang magiging total ng babayaran kasama ang principal ay 14,000 in 10 days pa lang po, pag di pa rin nkabayad within 1 month which is 30 days magiging total po ng babayaran ay 32,000. ganun po kalaki ang interst and penalty nila kaya ung utang ko po na 10,000 inutang ko po un bandang july 2010 pero mula nung inutang ko po un nagbibigay lang po ako ng interest every 5 days na 2,000 kaya lang po nagkapatung patong ang problema namin kaya di na ako nakapagbigay sa kanila ng interest every 5 days mula nung september hanggang ngaung april, pero nkapagbigay po ako ng bale 20,000 nung october & november...nung tanungin ko cya kung magkano na inabot ang utang ko sabi less than 100,000 daw binago n lang daw nila ang computation para hindi n masyadong lumaki. Pero kung iisipin po sana nila 10,000 lang po ang principal tapos ang naibayad ko na sa kanila na interest cguro inabot na po ng 45,000 lahat. Willing naman po akong bayaran ang utang ko kaso lang po hindi ko na alam kung paano kasi sobrang laki na po talaga inabot, nakikiusap naman ako na kung pwede bayaran ko na ung principal tapos ung mga interest at penalty hulug hulugan ko na lang para stop na nila ang interst at penalty tutal malaki na rin naman ang naibayad ko sa kanila ayaw naman nilang pumayag.
Hingi po sana ako ng advise kung ano pwedeng gawin, pwede po ba akong magreklamo? saan po kaya? ano po ang reklamong pwede kong isampa sa kanila. Wala po kaming kasulatan na pinirmahan.