Gusto ko lang sana humingi ng legal advice tungkol sa problema ko sa Money card. I left my money card loan unpaid for 5 years. Nagpunta po ako sa ibang bansa. Hindi po ako sinuwerte makahanap ng magandang sahod kaya bumalik na lang din po ako at hindi ko rin po na settle ang money card ko. Last year nagkaroon po ako ng intention na magbayad pero dahil po sa laki ng halaga na gusto nilang bayaran ko(50,000.00) di ko po nabayaran. Ngayon keno contact po nila ako uli at pinababayaran po uli sa akin ng 25,000.00, or else sa court na daw po ang kaso. Wala po ako talagang salapi na ganoon kalaki. Beside wala po akong income sa ngayon at umaasa lang po ako sa kita ko sa avon. Kasalukuyan po akong naghahanap uli ng work at possible po naman dahil may mga interviews po ako next week. Gusto ko pong maayos na ang problema kong ito at willing po akong hulugan monthly. Hindi ko po intention na tumakbo sa obligation ko nagkataon lang po na wala akong pambayad sa ngayon. Ayoko na rin po umabot pa sa court ang bagay na ito. Ayon po sa nakausap ko subject for raffle na daw po ang kaso ko. Ang credit limit ko lang po ay 20,000.00 pero ang pinababayaran po sa akin ay 380,000+. Makatarungan po ba ito.
Ano po ang action na dapat kung gawin sa bagay na ito. Ano po ba ang batas na nakasad sa mga ganitong kaso.
Lubos po akong umaasa sa advise at opinion ninyo.
Maraming Salamat po.