Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

AWOL and Clearance

Go down  Message [Page 1 of 1]

1AWOL and Clearance Empty AWOL and Clearance Fri Dec 08, 2017 4:40 pm

ravenxcrow


Arresto Menor

Good day po sa lahat and admins.

Bago po ako magpost, I tried to search this in the search engine ng site baka sakali na may kaparehong case nung sa akin. Almost pero not quite. Hopefully nasa tamang thread din po ako.

Ganito po yung sitwasyon, nagfile ako ng resignation at tinanggap ng employer ko. May copy din ako ng resignation with their signatures.

During may 30 days, actually lumagpas pa ako, inaayos ko ang clearance ko especially yung mga importante ang binigyan ko ng priority. May mga schedule kami ng supervisor ko ng turn over pero hindi nangyayari dahil kapag binanggit ko na kulang pa (mga minor and not that important) eh nirereschedule. Kaya lumagpas ako sa 30 days ko, ok naman sa akin para lang matapos ko clearance ko. Sinabi ko naman verbally na hindi ko na magagawa at iturn over ko na lang sa kanya which is ayaw pumayag at dapat tapusin. Dumating ang panahon na tinanggap na ako sa bagong work at HINDI PA TAPOS ANG CLEARANCE KO. Nakikipagcommunicate ako at ganun din sila sa akin para sa schedule ng clearance but may mga sitwasyon na hindi nagtutugma schedules namin till naging busy na ako dito sa new work ko. 8 months na hindi pa din ako clear though, some were already signed by respective department heads, yung na lang supervisor ko at director ko. Bago ako tuluyan umalis, nagturn-over ako ng mga important papers ko sa supervisor ko and pinirmahan niya ang turnover pero, still, pinatatapos pa din ang mga kulang ko na minor papers. Kaya hindi pinirmahan pa ang clearance ko. Kahit sa email nagsend din ako ng soft copy ng turn over ko dahil nwala daw nila ang papel ko na binigay sa kanila.

Ito po concern ko, nakareceive ako ng balita from my friend na AWOL daw ako sa previous employer ko (in which, its not true by definition pa lang ng AWOL sa labor code natin). Hinahabol nila ang clearance ko at turn over sa kanila pero dahil sa loaded work ko, nahihirapan ako ngayon sa schedule. Now, again nakareceive ako na padadalhan na ako ng letter ng previous employer ko dahil sa hindi ako tapos sa clearance (I doubt na isasama ang AWOL dahil alam naman ng lawyer ang definition ng AWOL).

1. May kaso po ba ako dahil sa NOT COMPLETE ang clerance ko? Alam kong andun pa ang last pay ko at alam ko din na hindi ako mabibigyan ng COE kapag hindi tapos ang clerance pero, it is a legal offense ba na kapag ako ay hindi clear, bibigyan ako ng letter from their lawyer?

2. I feel offended kasi sa sinabi nila (andI know it's not my fault why hindi napipirmahan clearance ko) at dun sa kumakalat na ako ay AWOL. I don't know the extent kung hanggang saan nakarating na ako ay inakusahang AWOL ng employer ko. Can I do something about this?

Thank you po sa makakapagbigay linaw. Thanks

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum