Eto po yung situation.
Call center agent po ako. Nung last Sunday po may pasok ako ng 12:30 am at ang out ko po ay 9:30 ng linggo ng umaga, then rest day ko na po kinabukasan which is Monday (Oct.30) at Tuesday (Oct. 31). Wednesday night (Nov.1) na po balik ko nun ng 11:30 pm. Ngayon po nakareceive ako ng notification galing kay company na 12:00 am na daw po ako papasok ng (Nov. 1) for training daw which is shift ko na din po, so hindi na sya 11:30 pm ng gabi. But in some reason, nacancel po sya, sabi ng Manager ko magiging 3 days na daw off ko due to cancellation at ififile na lang yung shift ko ng Weds as Vacation leave. Pero nagtataka ko kasi sabi ni manager, papasok pa din daw ako ng 11:30 pm ng gabi ng (Nov. 1). Pagkakaintindi ko po kasi since Off ko ng Monday, Tuesday at VL yung Weds di na po ako papasok kinagabihan. Tanong ko lang po, saan po ba nagsisimula yung bilang ng rest day? Pag out ko ng shift ko po ba sa trabaho saka bibilang ng 24 hrs na off o yung next day na oras after ng last day ng shift ko?