Kumuha po kami ng lupa sa isang developer nakapag down na apo ako ng 50,000 mahigit at ito ay 6 months to pay ang lupa po ay 7 years to pay na man monthly amotization ok po sana ang contract..
Kaya lang po meron po doon na naka stipulate na hindi po kami pwedeng kumuha ng contractor sa labas dapat sa kanila lang kami pwede kumuha..
hindi naman po naka stipulate doon kung manpower lang po o kabuuan ng gagawing bahay na o pati sa kanila mangagaling ang design..
legal po ba ito gayung lupa lang naman binebenta nya at development na sakop ng area na binebenta nya ..
kung matapos na po ako sa hulugan ko at yung contract to sell ay naging contract of sale binding pa rin po ba ito..
Ang gusto po namin kami ang mamahala sa paggawa para macontrol namin ang materials at masiguro na mataas ang kalidad ng itatayo naming bahay..
Maraming salamat po sa lahat ng sasagot..