Nov 2015, nagpahiram ung wife ko ng P150k sa kapitbahay namin na si LP (wife) at EP (husband). Usapan nila ay 2months lang nila hihiramin na may 10% interest a month..
Jan 2016, In 2 mos, ung 10% interest lang ung nabibigay nila. Dahil di pa raw nila kaya ibalik ung principal. Nagbigay na din sila ng post dated cheque, dated May 2016 at Aug 2016..
Sep 2016, in 10mos, consistent naman nila nabibigay ung 10% interest tulad ng napag usapan namin verbally..
Oct 2016 hanggang Aug 2017, di na sila nakakapagbigay nung interest at walang mabigay na commitment kung kelan mababalik ung principal.. nagbibigay sila paminsan minsan kapag nakikiusap sila sa wife ko ng konting bigas, P400, P300... at puro pangako ang binibitawan sa wife ko..
Sep 2017, binanggit sakin ng wife ko na pinahiram nya ung pera sa kapitbahay namin. Ngayon ko lang nalaman na dun na pala napunta ung naipon namin.. dahil stress na sya at di na nga malaman kung paanu mababalik ung pera, sinabi na nya sakin.. binaggit nya sakin na may cheque na nabigay at agad kong tinignan. Nung pinakita nya sakin ung cheque, magkaiba pirma nung dalawang cheque. Nagtataka ako kung bakit magkaiba ito kako. So tinanung namin sa banko at nalamang close na daw ung checking account na un. Pero di na sinabi kung kelan na deactivate ung account..
so kinausap ko itong magasawa, una, si LP ang kausap namin, pero ayaw na nya makipagusap. Ung asawa na lang nya na si EP daw ang kausapin namin.. so ibangan ko si EP. Nung makausap namin si EP, sabi nya na wala sya mabibigay nung araw na un at wala rin sya mabibigay na collateral. At sya pa malakas magsabi ng courte courte.. sabi ko, wag na muna nya banggitin ung courte courte, icheck nya muna ung listahang dala namin ng mga hiniram at nabayaran nila. Magusap kako kami ulit after a week kung agree ba sila dyan sa listahan namin, at mag bigay kako sya ng proposal kung paanu nila babayaran. Nag agree sya at pagaaralan daw nila ung listahan.. sa sep23 pa kami maguusap ulit..
Sinabi ko sa wife ko, mabalik nya lang nya ung principal, ok na kako ako..
Anu po ang pwede kong idemand sa kanya?
Para may maging katunayan na meron kami pera sa kanya. Dahil sa ngyon, puro verbal lang..
At kung sakaling itanggi nya ung naging usapan nuon at walang planung ibalik ung principal, anu po ang pwede kong gawin?
Maraming salamat sa sagot..