Nagsimula po ito ng makilala nila ang ang aking negosyo sa pamamagitan ng internet ads na aking pinost po. Tumawag sa aking ang kanilang purchasing manager para sila ay aking masupplyan. Dahil kliyente nga po, hindi naman po ako nagdalawang isip na makipagusap sakinla regarding sa hiling nila sa sila ay masusupplyan. Nakapagusap po kami ng purchasin manager ng kumpanyang ito at nagkapirmahan po kami ng memorandum of agreement na sila po ay aking susupplyan ng karneng baboy at baka sa terms na 15 days. Kaya lang ang pinagtataka ko tuwing hinihingi ko ang structure kung sino ang may-ari ng negosyong iyon eh umiiwas silang sabihin sa akin dahil corporation nga daw po at confidential, ayaw daw po ipasabi ng kanilang boss. Tama po ba na bilang nagsusupply ay hindi ko nalalaman kung sino ang may-ari ng kumpanya na aking sinusupplyan?
Pangalawa pa po, natapos po ang 15 days at may nakuha na sila sa aking produkto na nagkakahalaga ng halos 80,000php pero hindi po ako nababayaran kaya itinigil ko po ang pagsupply sa kanila sapagkat di po sila nakakasunod sa pinirmahan namin na agreement.Ngayon po ay halos dalawang buwan na akong hindi binabayaran kahit piso ng kumpanyang ito. Ang masaklap pa po tuwing ako ay nagfollow up laging palusot ang ibinibigay sa akin kagaya ng wala daw ang kanilang boss o kaya ay nasabi na daw pero wala pong inirerelease pa para sa akin kaya hindi pa daw po ako mababayaran. Nangangamba na po ako kasi hindi naman po biro ang pera na aking naipuhunan at malaki na rin po ang naiabono ko sa farm na aking kinukuhanan. Nagpadala na rin po ako ng liham sa kanila ukol sa isyu po na ito pero wala rin po akong nakukuhang response at kapag nagpupunta ako sa commissary nila ay hindi rin ako pinagbubuksan o pinatutuloy man lang, umiiwas po sila. Kaya ako po ay nagpadala na ng demand letter ngunit wala parin po ako nakukuhang response mula sa kanila. Tanong ko lang po kung maari na po ba ako gumawa ng aksyong legal para mabawi ko ang pagkakautang nila sa akin? Paano po ba ang tamang pamamaraan ng pagkolekta ng pagkakautang at may malinaw pa po bang kalutasan na masingil ko ang pagkakautang sa akin? Papaano po ang tamang proseso sa pagsampa ng ganitong kaso? Sana po ay bigyan ninyo ng pansin ang topic na ito. Maghihintay po ako sa response ninyo dito. Sana po ako ay inyong matulungan tungkol sa isyu na ito.