good afternoon po!
pasensya po sa pag-double post ng case ko. nalagay ko po sa lumang topic post ko na lang po ulit kasi baka di nyo mabasa ung nauna kong post.
hihingi lang po ako ng opinion regarding meralco.
ito pa yung kaso namin. meron po kaming studio units na pinapaupahan. may isang unit po kami na between 4 years tatlong tenant na po ang nag-occupy. Yung first tenant po ang average monthly bill nya sa meralco ay nasa P2000-P2500. Yung 2nd tenant average bill was around P5000. At yung current tenant po namin ay around P500-P700. A few months back po kinuha ng meralco yung metro ng particular unit na ito for suspected tampering daw po.
Ngayon po ay nakatanggap na kami ng demand letter galing sa Meralco. Nakalagay po doon na ang resulta daw ng inspection ng meter ay:
1. the sealing wire of the cover seals was cut.
2. the 1000th, 100th and 10th dial pointers of the meter register were out of alignment.
dahil daw sa findings na ito at sa pagtupad ng RA 7832 or Anti-pilferage of Electricity and Theft of Electronic Transmission Lines/Materials Act of 1994 ay pinagbabayad po nila kami ng P25,098.50. Sabi po ng nakausap namin sa office ng Meralco pwede daw ito bayaran ng installment at bibigyan daw nila kami ng 20% discount. kung babayaran naman daw ng cash 50% discount daw po ang ibibigay nila.
Ang option lang daw po naman ay magbayad kami or kung icocontest namin *** findings nila Legal Department na po ang kakausapin namin at kailangan na namin kumuha ng abogado.
Ang sa amin po talagang gusto namin icontest ang findings nila kasi alam namin na hindi namin tinamper ang metro. although nakita naman po naman na sira nga ang seal, hindi din namin alam kung sino ang gumawa noon. wala naman po kaming financial gains doon dahil una hindi naman kami ang gumagamit ng kuryente kundi ang tenants namin at kung ano ung nakalagay sa bill ng meralco yun lang din ang ibinabayad nila. pahirapan po namin ipinatayo ang apartment namin. lahat ng kailangan ay ginawa namin sa legal na paraan, walang shortcut. at ayaw po namin ng mga ganitong kaso.
ang iniisip po kasi namin na baka naman mahinang klase yung metro na ibinigay sa amin na dahil sa paiba-ibang consumption ng kuryente ay naapektohan ang alignment ng metro. pagkatapos po nilang kunin ung metro na ito ay pinalitan na dila ng bago ung digital na.
kaya lang po kung icocontest namin baka lalo pa kami mapamahal kasi imbes na 12thousand plus lang ang babayaran namin baka lalo pa kaming mapamahal ng babayaran kung kukuha pa kami ng abogado.
ano po sa palagay nyo ang pwede naming gawin?
isa pa po pala naming concern ay paano po kung magpapalit na naman kami ng tenants na magkaiba ang paggamit ng kuryente lagi na lang po ba nila kami paghihinalaan ng pagtatamper ng metro nila.
ano po ang pwede naming gawin para maiwasan na mangyari ulit ito?
maraming salamat po sa inyong tulong!