Nagpa-lease po ako ng lupa sa isang kaibigan ko, at tinayuan niya po ng bahay. Meron kaming contract of lease at nagbabayad naman po siya noong nakaraan dalawang taon. Pero ngayon 2017, wala na daw po siyang pera at mag iibang bansa na lang daw siya. iiwan niya na lang daw ung bahay sa akin na lang daw yon. kasi mas mahal pa naman daw ung bahay kaysa sa utang niya sa akin. pumayag naman po ako sa ganoong usapan. Nag dala po siya ng deed of sale at pirmahan ko na daw para sa akin na daw ung bahay. gusto ko lang po malaman kung sapat na ba ung deed of sale para wala na akong problema sa susunod. may nagsabi po kasi sa akin na kailan din daw po ng termination ng contract kasi baka maghabol daw siya pag dating ng panahon.
Salamat Po.